RH (76)

666 67 6
                                    

-👑-

*Minghao's*

"ANAAAAAKKK!!!"

Nabingi ako sa aking narinig na siya namang nakapagpagising sa natutulog kong diwa. Kahit masakit ang mga mata ko sa biglaang paggising ay ora-orada akong bumaba sa kama ko at tumakbo palabas ng kwarto para makita si mama.

Anong nangyare?!

Hindi ko alam kung anong hitsura ko, alam kong mukha akong baliw dahil sa buhok kong halatang galing lang sa tulog. Di ko nga alam kung may traces pa ba nang laway ang aking mukha!

"MA! ANONG NANGYARE?!"

Tinignan niya ako, ang mga ngiti niya'y napawi at napalitan ng pagkataka nung ako'y makita niya. Eh??

"Ba't ganyan ang itsura mo 'nak?" tanong niya habang nakahilig pa ang ulo niya.

Napapikit nalang ako.

Hindi ko alam kung may topak ba si mama or kung ano ba. Nagising ako sa biglaang sigaw niya tapos itatanong niya sa'kin kung bakit ganito ang itsura ko? Akala ko kung ano na ang nangyare sa kaniya...

Mama...

Ugh.

"Nagising ako sa sigaw mo ma. Akala ko kung anong nangyare sayo" sabi ko sa kaniya na may halong pagka-irita sa aking pananalita.

Napahagikhik nalang si mama at saka tumayo. Napansin kong may hawak-hawak siyang isang sobra at papel. Ano yan?

"Walang mas sasaya na kaysa sa akin anak. I'm very proud of you!" ani mama at ipinakita sa'kin yung sulat na binabasa niya nung nadatnan ko siya kanina.

Kinusot ko ang mga mata kong may mga muta pa. Kita niyo lang talaga. Hays! Di pa nga ako nakakapag-toothbrush! Dibale wala naman akong morning breath.

"Nakapasa ka anak! Magiging architect kana!" maligayang sabi ni mama at niyuyugyog pa ang balikat ko at niyakap ako sa tagiliran ko.

Nakapasa nga talaga ako sa scholarship. And interview na ang next.

Napabuntong hininga ako at hinalikan ang bunbunan ni mama. Kumalas ako sa yakap niya at iniwan yung sulat sa lamesa.

"Mag-aayos na ako para sa trabaho ma" sabi ko sa kaniya.

"Yah! Hindi ka ba natutuwa dahil mag-aaral ka na ulit?!"

Aish. Here we go again.

Nilingon ko si mama at pinakitaan siya ng pinakamalaking ngiti ko. "Excited na nga ako para sa pasukan eh" sagot ko sa kaniya at mas lalong nilawakan yung ngiti ko saka nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa aking kwarto.

"Maligo ka nang maayos!" sigaw ni mama bago ko isinara yung pintuan ng kwarto ko.

I sighed and walked back to my bed contemplating if ico-continue ko yung naudlot kong tulog or mag-aayos na talaga para sa isang panibagong busy na araw.

ROYAL HABIT ¤ JUNHAO ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon