-👑-
*Minghao's*Hindi na muli ako nakarinig ng katahimikan sa aming bahay matapos ang araw na pinabantayan sa amin si Junho.
He would come to play, sakto ring andyan si Junhoi.
Kaya ayun,araw-araw na silang naglalaro. Ginawang playground ang harapan ng apartment namin. Hays.
"Napakadaya mo! Eeww cheater" rinig kong paratang ni Junho kay Junhoi. Tae, pati pangalan nila halos magkapareho na.
"Kasalanan ko bang ang hina-hina mo sa larong ito" sagot naman sa kaniya ni Junhoi.
Napailing nalang ako habang nilalagay ang meryenda nila sa gitna nilang dalawa. Naglalaro sila ng tekken na binili ni Junhoi kamakailan lang. Request kasi ni Junho, kaagad rin namang napagbigyan.
Buti na lang talaga at Linggo ngayon at wala akong assignments or tasks. Kapag weekdays kasi ang busy-busy ko tapos dadagdag pa silang dalawa. Hays.
Pero kahit ganun, at least nawawala nilang pareho ang pagod ko. Buti na lang at pinapayagan naman si Junho na pumarito lagi.
Paminsan-minsan ay tinutulungan din namin siya sa mga assignments niya, then after that maglalaro na silang dalawa.
Si mama?
Ayun,kulang na lang ampunin silang pareho at dito na patuluyin. Tapos sasabihin pa niyang puwede na raw kaming bumukod ni Junhoi at magkaroon ng sariling pamilya...
Okay sana mama eh, kaso wrong timing. Wala sa oras at hindi muna namin pinaprioritize ang mga ganiyaㅡ saka na kapag nagawa na naming lagpasan ang mga paparating pang problema.
And these past few days, kinakabahan ako. It seems like may paparating, ayokong iignore lang ang negatibong nararamdaman ko...
Kaya naisipan kong kausapin mamaya si Junhui. Sa kaniyang paglalagi rito at pakikipaglaro kay Junho, baka nakakalimutan niyang may malaking responsibilidad siyang kailangan niyang gampanan.
"Bao!"
Nagulat ako sa biglaang pagtawag ni Junhoi.
"Ano?!" inis kong tanong sa kaniya, ang lapit-lapit niya lang sakin tapos sisigawan niya akong ganun? Sapak ata hinahanap nito.
"Kanina ka pa nakatulala riyan, may problema ba?" tanong niya at talagang ibinaling sa akin ang kaniyang atensyon.
Narinig ko naman ang mahinang 'YES' ni Junho dahil kinuha niya itong pagkakataon para talunin si Junhui.
"Talo ka na oh" sabi ko at itinuro ang screen. He didn't look back and continued to stare at me.
I facepalmed. Paniwalaan mo nga ako!
"Quit it. Walang problema, pero may pagkukuwentuhan tayo mamaya" sabi ko sa kaniya as I patted his hair.
Patuloy pa rin niya akong tinititigan hanggang sa napanguso na lang siya. Para siyang aso... yung bulldog.
"Okay" tanging sabi niya at muling itinuon ang atensyon sa screen.
BINABASA MO ANG
ROYAL HABIT ¤ JUNHAO ✓
Fanfiction*grabs the ass* "Aba pota-" "Hey honeybun I'm an ASStronaut and your ass is my next exploration" "what the hell?!" - - - - - - - - - - - - - - - - ROYAL HABIT ¤ JUNHAO starring: wen junhui xu minghao started; July 21, 2018 Posted; August 11, 2...