RH (extra)

1K 46 15
                                    

-👑-

Honeymoon
(2/3)

"Do you want eggs?"

"Nakakasawa na itlog mo"

Nabulunan si Junhui sa sinabi ng kaniyang asawa. Hindi siya prepared sa pambabara nito. Minghao smirked while eating the bacon that was served.

Buti na lang at naiwan silang dalawa sa beach. They're having a luxurious breakfast by the beach. Kaya preskong-presko ang dalawa habang kumakain at tinatanaw ang asul na dagat.

"Nakakamatay naman ang mga hirit mo bao"

Minghao shrugged as he puts an egg on Junhui's plate.

"Hindi ka naman siguro nagsasawa sa itlog ko ano?"

Napatawa na lang si Junhui sa kakulitan ng kaniyang asawa. Ang aga-aga pa pasaway na ang asawa niya.

Napuno ng tawa at landian ang kanilang oras sa pagkain. After that they went back to the house to prepare for today's activities. May itinerary na inihanda si Minghao habang natutulog ang kaniyang asawa kaninang umaga. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong nasa maldives silang dalawa.

Nakabeach shorts and dalawa, puting sando para kay Minghao at itim para sa hari. Dala-dala ni Minghao ang isang camera at malayang kinukuhanan ang magagandang tanawin. He would halt his husband for a minute to take a photo of him.

Minsan ay nagpapakuha sila ng litrato sa mga turistang nagpapakuha rin ng litrato sa kanila.

"Bao ayoko bao. Matatae ako niyan ng wala sa oras Bao"

Natawa si Minghao sa sinabi ng kaniyang asawa. Gusto niya kasing itry ang parasailing. Gusto niya pero ayaw naman ng asawa niya.

"Edi 'wag! Mag-aaya na lang ako ng iba" pabirong sagot ni Minghao at tinalikuran ang kaniyang asawa. He pretended to find for someone who's willing to do it with him.

Napailing si Junhui bago niya hinabol ang kaniyang asawa at hinila niya ito papunta sa mga nagbabantay.

Habang nilalagyan sila ng safety gears, natatawang vine-videohan ni Minghao ang kaniyang asawa. Hindi maipinta ang mukha nito dahil sa takot.

Nang matapos ay sinabihan na sila ng instructor na puwede na.

"What if I die?"

Hinawakan ni Minghao ang nanginginig na kamay ng kaniyang asawa at pinisil ito.

"Then you die" sagot niya at tumakbo kaya napatakbo na rin si Junhui.

Umangat na silang pareho at nasa ere na. Todo kapit ang ginawa ni Junhui habang nagdadasal sa kaniyang isipan. Nage-enjoy naman ang kaniyang asawa habang dinadama ang malakas na bugso ng hangin sa kaniyang pisngi. Hinahawakan niya ng mahigpit ang go pro baka liparin.

Nang tumagal ay naikalma ni Junhui ang kaniyang sarili. He managed to enjoy the view— lalo na't sunset which made their flight magistic.

Tumagal ang kanilang paglipad ng fifteen minutes. Nang makababa ay kaagad na hinanap ni Junhui ang basurahan. Dinamayan naman ni Minghao ang kaniyang asawa habang tumatawa nitong vine-videohan ang pangyayari.

ROYAL HABIT ¤ JUNHAO ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon