Chapter 1

17 3 1
                                    

"The Break UP Chat"

Dubai
September 2008

*Ito ang detailed story ng Chapter 4 sa "Five years after break up"*

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

Nag-uusap si Jay at Greg (best friend na matalik ni Dana) sa phone.

Worried ang itsura ni Jay habang nakikipag usap.

Palakad lakad siya mula sa kusina papuntang partition niya habang pinagmamasdan siya ng tita niyang naghihiwa ng sibuyas sa kusina at nakikinig sa sinasabi niya sa phone.

"Kumusta na si Dana dre? (tawagan nila ni Greg ang Dre)" Tanong ni Jay na bakas sa mukha niya ang pag alala at halata sa kanyang mga mata ang ilang araw na niya pagkapuyat kaka antay na mag message ni Dana at sumagot sa mga messages niya.

"Ok naman..Ah-hh Dre may sasabihin ako"Alangan na sagot ni Greg habang naka upo siya sa may coffee shop.

Napahinto si Jay sa palakad lakad at humiga siya ng malalim at unti unti din itong pinakawalan ang hangin na nilanghap at namumu-o ang luha sa magkabilang mata niya ngunit pilit niya ito pinipigilan at pinatapang parin ang kanyang loob ngunit halata ang panghihina sa kanyang sumunod na tanong."Dre,anu yun?" at napa upo siya sa sofa.

Tumayo si Greg sa kina-uupuan niya at pumunta sa labas ng coffee shop at pumwesto sa may lilim ng puno.

"Dana is falling into Mike's trap again" Nang gigil na salitang pinakawalan ni Greg.

Napapikit si Jay at tuluyang tumulo ang luhang namuo sa magkabilang mata niya at sinuntok ng tatlong beses ang noo niya habang nang gigil ang kanyang mga labi.

Pinunas ang luha gamit ang kanang kamay sa pamu-ong luha sa kanyang mga mata.

Huminga siya ng malalim at bago tumayo,ang kanan niyang kamay na pinampunas sa namu-ong luha ay isinutok niya sa kahoy na lamesa sa harap niya at pumunta siya sa partition niya at naupo sa kama.

Pinatatag niya ang boses niya.

"Uuwi ako..." Wika niya.

Napa-ayos ng tindig si Greg at nanlaki ang mata niya.

Hindi siya makapaniwala na naisip agad ni Jay na umuwi knowing nag aaral siya at nasa Dubai siya which is miles and miles away sa Philippines.

"Hah? Sigurado ka dre,makaka-uwi ka ba agad?" Alanganin na tanong ni Greg.

Naiyak si Jay at ng nahalata ni Greg na umiiyak si Jay at napapikit siya.

Nakaramdam siya ng awa dahil si Jay ang tipo ng lalaki na hindi umiiyak.

Malakas siya,matikas,kinatatakutan sa galing niya sa pakikipaglaban.

Hindi makapaniwala si Greg na ang best friend niya ang magpapatiklop sakanya.

Ngunit pinilit ulit ni Jay na kumalma at unti unti niyang ibinalik sa wisyo ang sarili niya.

"Kausapin mo siya dre,tanungin mo anung plano niya.Aasikasuhin ko ang pag uwi ko.I fought for years,I don't want to lose her without giving a good fight." Paki usap ni Jay na pilit nagpapakatatag.

"Sige dre,I will do what I can to help you.I'll update you" Wika ni Greg.

Pagkatapos nilang mag usap ay napasigaw si Jay sa sama ng loob at ibinato ang cellphone sa kama at pinag susuntok ang cabinet niya hanggang sa masira ito at dumugo ang kamao niya.

The man who can't be movedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon