The love of Jay (Text message)
Umagang umaga hindi na mapakali si Jay.
Hindi niya mawari kung paano niya sisimulan ang pagtatapat.Umabot na ang hapon hindi parin niya malapit lapitan si Dana.
Maya maya pa ay lumapit si Mark at JL sakanya na palihim na nakatitig kay Dana na mag isang naka upo sa bench sa labas ng SSG Office.
"Hoy...Lapitan mo na" Wika ni JL
"Hindi ko alam paano sisimulan ehh..." Sagot ni Jay na halata ang kaba.
"Edi itext mo" Wika ni Mark
"Ano sasabihin ko?" Tanong ni Jay at napatingin siya kina Mark at JL
"Mag hi ka muna" Wika ni JL At nagtext naman si Jay."Hi"
Tununog ang cellphone ni Dana kayat napatingin silang tatlo at inaantay ang reaksyon,ngunit dedma lang ito.
"Hmmm pakipot...ammm tanong mo kung busy siya" Wika ni Mark.
At Nag text ulit si Jay.
"Busy?"
Napakunot noo at suminghay a
si Dana at dinedma ulit ang text.Inagaw ni JL ang cellphone ni Jay at nag text siya.
"Walang load?"
"Pasahan kita?"Pagkasend ng test message ay inagaw ukit ni Jay ang phone saka bumalik sa pag abang kung ano magiging reaksyon ni Dana.
Napatayo sa upuan si Dana at inikot ang paningin para hanapin ang nag tetext sakanya.
Tinignan din niya si Veron pero busy siyang gumagawa ng report at hindi rin niya hawak ang phone niya.
Sumilip din siya sa room nila pero busy din nagjajaming ng gitara at kantahan ang barkada niya.Kahit sino sakanila walang nakahawak ng phone.
Saka siya bumalik sa dati niyang pwesto.
Nag text agad si Jay.
"Oops.. hinahanap mo ako?Kinikilig ako"
At napatayo ulit ai Dana ng mabasa ito at hinanap niya agad sa paligid ang nagtetext sakanyan ngunit wala siyang makita kayat pumunta nalang siya sa loob ng SSG office at nagsara ng pinto at bintana.
Nagulat at the same time nawirduhan si Veron sakanyan at natigil siya sa ginagawa niya.
" Ano ba?" Suway ni Veron kay Dana.
Maya maya ay tatlong magkasunod na text ang pumasok sa cellphone ni Dana at dahil doon nilapag niya sa table ang cellphone niya kung saan siya gumagawa ng report si veron at tinitigan lang niya ang cellphone.
Nairita si Veron at in-open ang text. Nung una binabasa lang niya sa lips na nakakunot noo.
Maya maya ay napangiti siya kayat inagaw ni Dana ang cellphone at ng binasa ni Dana ang text.
"Bakit ka nagkulong sa SSG office?"
"Wala na tuloy akong inspiration:-("
"Labas ka na please,para masilayan ko ulit ang kagandahan mo"At nairita si Dana sa nabasa niya at inilapag niya ulit ang phone niya sa lamesa at hindi siya mapakali.
Maya maya ay nag text ulit si Jay at inunahan ni Veron na basahin at binasa niya ng malakas.
"I like you since the first day of SY 2004-2005.You've been so busy liking someone but I think you ended it so I want to take the chance to reveal my identity.
I am the donut giver since 2004.I am the stealer of your picture at the organizational chart.Don't be afraid,i will do no harm to you.I just like you that much.Please meet me at the coffee shop table 14 on friday.I want to show you something.I hope you will give me a chance.:-)"At napatili si Veron at tumakbo papunta sa barkada nila.Sinubukan siyang habulin ni Dana pero hindi niya napigilang ibasa lahat ng text ng unknown admirer.
Kinatywan tuloy siya ng buong klase .Saka sunod sunod ang advise ng barkada ko.
"Go! meet him on friday..." Tukso ni Jordan.
" Ou nga there is no harm in trying" Dagdag ni Vince.
"Pero ang puso ingatan" Babala ni Lindsy at napatingin kay Mike na tahimik lang sa Dulo.
"Ou nga baka magtake advantage na naman" Wika ni Greg at sumama ang tingin kay Mike.
Dahil sa sobrang pilit ng barkada niya nag reply siya ng "YES".
Halos mabitiwan ni Jay ang cellphone niya ng mabasa ang reply ni Dana.Napatalon siya sa tuwa.
Naki agaw naman sina JL at Mark dahil naintriga sila kung anong reply.Pagkabasa nila ay nadismaya sila at nawirduhan kay Jay.
"Akala mo nanalo ng lotto,Yes lang naman ang reply" Pabirong wika ni Mark.
"Big deal na yan saknya bro,ngayon lang naman yan mangliligaw" Kantyaw ni JL.
"Tumahimik na nga kayo,tulungan niyo nalang ako for friday" Wika ni Jay.
😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😀😀😀😀
A
no kaya ang gagawin ni Jay para kay Dana sa Friday?
Abangan😊
BINABASA MO ANG
The man who can't be moved
RomanceIto pong storyang ito ay konektado sa unang istorya ko na "Five years after break up". Natunghayaan doon ang love story nina Dana at Mike paano nagmahal,nasaktan,nagmove on,nagmahal ulit at nagpatawad si Dana. Itong istorya naman na ito ay ang istor...