"A glimpse of Yesterday"
Dumating ang takdang araw ng pag uwi ni Jay sa pilipinas na tanging si JL lang,mga co owners niya at si Tita Sally niya ang nakaka alam.
Pagdating niya ng Pilipinas,dumaan siya sa bahay ni Dana.
Alas singko iyon ng umaga.Nauna niyang nakita si Mike na pinupunasan ang kotse ni Dana.Maya maya pa ay lumabas na si Dana,na pinasalubungan ng halik ni Mike.
Halos mapapikit siya sa sakit at pagmulat niya ng mga mata niya ang bigla nalang may luhang pumatak sa kanyang mga mata.
Nang pumasok sina Dana at Mike sa sasakyan ay madali siya tumalikod at sumakay na din ng kotse.
"Alam mo insan,sinasaktan mo lang ang sarili mo" Wika ni JL Pagka upo ni Jay.
"Paunahin mo silang umalis saka mo sundan" Utos ni Jay at huminga ng malalim si JL saka umiling at sinunod nalang ang utos ng pinsan niya.
Sinundan nila sina Mike at Dana pa akyat ng Baguio.
Hapon na nang makarating sila ng Baguio.Unang pumunta sina Dana at Mike sa isang apartment.
"Anong ginagawa nila jan?" Curious na tanong ni JL
"Siguro jan sila titira" Sagot ni Jay
"Hah?Lilipat sila nang Baguio?" Tanong ni JL habang tinitignan sina Dana at Mike na kumakatok sa gate.
"Ou kasi dito magproprocess ng papers si Mike papuntang America" Sagot ni Jay habang nakatingin kay Dana at napatingin si JL sakanya at napa iling
" Tangina,ang lakas talaga ng tama mo kay Dana ano? Ilang taon na kayong break,ini istalk mo parin siya...Nakamput!" Daing ni JL
Maya maya pa ay bumalik ulit ng sasakyan sina Mike at Dana at nag drive papunta sa hotel malapit sa condo na nabili ni Jay.
" Oh...papunta ito sa bahay mo ah..." Wika ni JL habang nag dridrive at sinusundan sina Dana at Mike at imbes na sa condo pumunta ay sa Hotel.Napakunot noo si Jay.
"Opppsss check in!" Hirit ni JL Sabay tingin kay Jay na parang nangangantyaw.
"Bilis sundan mo!" Mejo nag ngingitngit na wika ni Jay.
"Ano mag checheck in din tayo ehh jan lang sa kabilang building yung condo mo!" Suway ni JL
"Basta sundan mo!" Utos ni Jay at sinundan naman ni JL.
Pagbaba nina Dana at Mike ng sasakyan ay bumababa din agad si Jay at sinundan sina Dana.Nahuling naglakad si Dana dahil may katext siyang tenant nang mapansin niyang parang may sumusunod sakanila.Bigla siyang lumingon,buti nalang nakatago agad si Jay sa may pader.
Napakunot noo si Dana ng wala siyang makita sa likod niya,ngunit binalewala lang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating sa reception sina Dana at Mike ay kumuha na sila ng isang room for them.Pagka abot ng susi ay pumunta na sila sa elevator.
BINABASA MO ANG
The man who can't be moved
RomanceIto pong storyang ito ay konektado sa unang istorya ko na "Five years after break up". Natunghayaan doon ang love story nina Dana at Mike paano nagmahal,nasaktan,nagmove on,nagmahal ulit at nagpatawad si Dana. Itong istorya naman na ito ay ang istor...