Chapter 10

6 1 0
                                    

The love of Jay wins

Sumapit ang biyernes na pinakahihintay nina Dana at Jay.

Ang araw na makikila ni Dana ang secret admirer niya.

Ang araw ng pag re-reveal ni Jay sa sarili niya.

Naunang pumunta si Dana at ang barkada niya sa coffeeshop.

Super excited silang makilala kung sino ang mysteryong lalake na nagkakagusto kay Dana.

Naupo si Dana sa table 14 as instructed.

Palingon lingon si Dana habang nag aantay,habang si Jay ay hindi mapakali sa may comfort room at nagpra-practice ng mga sasabihin.At nang maka ipon ng lakas ng loob lumabas siya sa cr.

"O my God siya?"Halos sabay sabay na reaksyon ng barkada ni Dana.

Lilingon sana si Dana nang bigla siyang piniringan ni Jay sa mata.

Napatili ang lahat ng nasa coffeeshop.

Bumulong si Jay.

"Are you ready to meet your greatest admirer?"

Tumango si Dana at biglang tinanggal ni Jay ang panyo na naka-piring sa mga mata ni Dana.Binuksan ng dahan dahan ni Dana ang kanyang mga mata...

At nakita niya si Mr.Jay Sandoval...

Ang ibang Mr.Jay Sandoval na presidente ng Student Council.

Ang dating mala-naruto na buhok niya ay naging mala nice guy look na.

Ang mala gangster na pormahan ay napalitan ng desenteng pormahan.

Lumabas pa lalo ang kagwapuhan niya.

Magsasalita sana si Dana ngunit lumiwanag ang puting tela kung saan nakatutok ang projector at nag umpisa ang video presentation.

Puro mga stolen shot ni Dana.

Halos maluha si Dana sa napapanuod niya.Hindi niya akalain na may isang taong nagkakagusto sakanya higit pa sa pagkagusto niya kay Mike.

At nang matapos ay lumapit si Jay kay Dana at inabot ang 3 red roses at ngumiti ng may konting luha sa gilid ng mga mata niya.

"Can you please give me a chance to show you how much i love you?" tanung ni Jay

Sumigaw sina greg "SAY yes" hanggang sa lahat ng nadun sa coffee shop nagsasabi ng "Yes" at biglang napsagot na din si Dana ng "YES"

Sa puntong iyon naging malinaw na kay Dana at barkada niya ang lahat.

Si Jay pala ang laging nagpapadala ng donut.

Ang laging dumdekwat ng picture ni Dana sa organizational chart sa SSG OFFICE.

At tanging pang aasar sang way niya para magpapansin dahil sobrang busy ni Dana kay Mike.

Simula noon ay hindi na siya tumigil sa pagpapakilig kay Dana at sa barkada niya.

Araw araw na ginagawa ng Diyos nakakatanggap si Dana ng red roses,mula sa bahay nila hanggang sa pagdating niya sa school.

Lahat ng kakainin ni Dana ay nanggagaling sakanya maski pagkain ng buong barkda.

Sinagot siya ni Dana a week before ng graduation nina Jay year 2007.

It was 7 pm katatapos ng rehersal para sa graduation program nila.

Nakahiga silang pareho sa ground habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

"Ang sarap pagmasdan ang mga bituin sa langit ano?" Tanong ni Dana

"Ou lalo na pag kasama mo ang taong mahal mo" Sagot ni Jay habang nakatingin sa mga bituin.

"Tama,na eenjoy kong pagmasdan ang mga bituin dahil kasama ko ang taong mahal ko" sagot ni Dana.

Hindi umimik ng ilang minuto si Jay at maya maya pa ay napatingin siya kay Dana at tumingin din si Dana ng deretso sa mga mata Jay.

"Mahal mo ako?,i mean mahal mo na ako?"Tanung ni Jay at puno ng galak ang kanyang mga mata.

Ngumiti si Dana at huminga ng malalim.

"Opo mr president,mahal na kita" Sagot ni Dana

At biglang tumayo at sumigaw si Jay.

"Sinagot na ako ng mahal ko,sinagot na ako ni Dana"

Napatigil,napalingon,napalabas ang mga kasama nila na nakarinig ng sigaw ni Jay at nag umpisang nagkantaywan ang mga taong kasama nila doon lalo na ang mga barkada nila.

Tumayo si Dana para awatin si Jay sa kakasigaw sa tuwa at tumigil naman si Jay at humarap kay Dana.

Napapaluha si Jay sa tuwa at hinawakan ang dalawang kamay ni Dana at tinitigan niya ng deretso ang kanyang mga mata "You are my first and will be my last love,I promise" wika ni Jay na puno ng sinseredad at yinakap niya si Dana ng mahigpit.

Yan ang kwento kung paano naging magkasintahan sina Jay at Dana.

First boyfriend siya ni Dana,unang lalaking nagpahalaga ng puso niya.

😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊

End flashback ng mala fairytale na love story nila Dana at Jay.

Ngayong hiwalay na sila,paano kaya haharapin ni Jay ang mga araw na hindi na niya kasintahan ang babaeng mimahal niya ng sobra..

Abangan 😊

The man who can't be movedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon