"Life after break up"
Matapos ang huling pag uusap nila ay nag move on na sina Dana at Jay sa kani kanilang buhay.
Grumaduate sina Mike at Dana ng high school.Umuwi si Jay para masaksihan ang grauduation ni Dana pero hindi siya nagpakita.
Kinunan lang niya ng palihim ng litrato si Dana.Sinubukan niyang ipa abot ang regalo niya pero hindi ito pinayagan ni Crista para na din sa kapayapaan nilang lahat.
Pagkatapos ng graduation ay umuwi agad si Jay sa Dubai at naki usap sa barkada ni Dana ng palihim na mag update pa rin sakanya ng mga nangyayari kay Dana.Pumayag naman ang barkada ni Dana.
Nabuhay ng masaya sina Dana at Mike.Samantalang si Jay pinipilit niyang maging masaya kahit wala na si Dana sa buhay niya.
Sinubukan niyang nakipagdate ngunit wala ni isa sa halos isang daan ang nagustuhan niya tulad ng pagka gusto niya kay Dana.Kaya't minabuti niyang itigil na ang pakikipag date.
Nagfocus siya sa pag aaral at pag iipon ng pera mula sa mga part time jobs niya.Maliban dun naging busy din siya sa pagsubay bay kay Dana.
Gaya ng dati,sinigurado niya na may tulong na darating sa mga oras na kailangan ni Dana ng tulong.
Ang barkada ni Dana ang naging mata niya.
Halos apat n taon na nakasubay bay si Jay sa masaya na relasyon nina Mike at Dana.
Masakit man sakanya ngunit pinilit parin niyang maging masaya lalo't alam niyang masaya si Dana.
Ngunit isang ang araw nagka chat sina Jay at Norine.Nagbago ang ihip ng hangin na tila umayon naman ang tadhana sa kanya.
" Kamusta naman?" Unang chat ni Jay kay Norine.
" Ok naman kuya,pero si Dana hindi siya ok!" Sagot ni Norine.
"Bakit? Anung nangyare?" Mabilis na tanong ni Jay.
"Naglalakad na kasi ng papers si Mike papuntang America.Nagka chat kami ni Dana sobramg lungkot niya lalo't mag momove si Mike from Manila to Baguio." Paliwanag ni Norine.
" Huh?!? Talaga ba? So it means mag mo-move na din si Dana sa Baguio?" Tanong ni Jay na tila nabuhayan ng malaman ang balitang papuntang America si Mike.
"May posibility Kuya.Pupunta nga daw sila ni Mike sa katapusan sa Baguio." Sagot ni Norine
"Naku norine paki sibay bayan si Dana hah.Hindi madali para sakanya na mapalayo sa taong mahal niya.Please always be with her para hindi niya ma feel ng sobra ang kalungkutan." Paki usap ni Jay
" Hay naku kuya,napaka swerte talaga ni Dana sayo.Saya nga lang yung naudlot na relationship ninyo.Pero dont worry kuya hindi naman namin pababayaan si Dana" Sagot ni Norine
" Salamat,o siya sige na papasok na ako sa work.Regards sa lahat.Ingat kayo parati and please paki alalayan si Dana lalo na sa haharapin niyang pagsubok sa buhay niya kailangan niya ng mga taong masasandalan niya." Paki usap ni Jay
" Sure kuya.Dont worry ingat ka din jan." Sagot ni Norine.
Matapos silang mag chat tinawagan niya si JL.
"Insan!" Excited na bungad ni JL
"Insan! Bumili ka ng condo sa Baguio malapot sa mall may bagong bukas doon.Two bedrooms tawagan mo na ngayon,gamitin mo yung pera ko sa coop.I full pay mo,kailangan ready to occupy na bago magkatapusan kasi uuwi ako" Mabilis na utos ni Jay
"Woah!!!! Bakit Baguio at bakit biglaan naman ata pati pag uwi mo?" Nagtatakang tanong ni JL
" Basta..bakit ayaw niyo ba akong umuwi?" Tanong ni Jay
"Well siyempre gusto.O siya sige aayusin ko na yun.Send mo sa whatsapp yung contact number ng kaka usapin para mabili na yung condo mo." Wika ni JL
"Salamat insan.At ngapala wag mo munang sabihin kahit kanino yung pag uwi ko.Ok?"Paki usap ni Jay
" Bakit?" Tanong ni JL
" Basta...sumunod ka nalang!" Wika ni Jay
" Ou na,basta pautang ulit hah..." Hirit ni JL
" Ou na basta secreto natin to hah...Sige na insan.Pasok na ako sa work.Regards to all"Wika ni Jay saka niya pinatay ang phone na may ngiti sa kanyang mga labi.
Masayang pumasok sa trabaho si Jay.Lahat ng mga ka opisinahan niya ay nagtataka sa ibang aura ng mukha niya.
Ang lakas nga naman ng epekto ni Dana sa buhay niya.
Wala mang kasiguraduhan ay nag file si Jay ng 3 months vacation.Noong una ayaw pumayag ng mga kasama niya lalo't co owner siya ng company at siya ang isang namamahala.Ngunit hindi siya nagpapigil at nangako siya na makikipagcommunicate siya habang nasa pinas siya.Eventually pumayag din ang mga kasama niya dahil simula ng pinatayo ang company 2 years ago siya lang ang hindi pa nagbabakasyon.
Makaraan ang isang linggo mula ng magka chat sila ni Norine ay nakapagbook na siya ng flight 2 weeks bago magkatapusan.
😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊
Sa pag uwi ni Jay ng pinas,magkikita kaya sila ni Dana?
Abangan!
BINABASA MO ANG
The man who can't be moved
RomansaIto pong storyang ito ay konektado sa unang istorya ko na "Five years after break up". Natunghayaan doon ang love story nina Dana at Mike paano nagmahal,nasaktan,nagmove on,nagmahal ulit at nagpatawad si Dana. Itong istorya naman na ito ay ang istor...