Chapter 8

8 2 0
                                    

The love of Jay (Map to Dana's Heart)

Sa tatlong araw na leadership training nakalimutan ni Dana si Mike dahil sumaya siya sa piling ni Jay,JL at Crista.

Naka close niya sila at nadala nila yung closeness hanggang sa makabalik sila sa Sanmira Academy.

Noong una hindi pa matanggap ng barkada ni Dana na close na siya sa tatlo lalo na kay Jay.Ngunit eventually mismong sila na ang naging mas close sa kanila.

Palagi parin inaasar at binubully ni Jay si Dana.Ngunit way niya yun para mapalapit siya.

Continious padin ang pagpapadala niya ng donut na araw araw na nagpapasaya kay Dana at ang barkada niya.

Lagi din nawawala ang pictures ni Dana sa Organizational chart na nagiging misteryo na sa lahat.

At sa mga pagkakataong kailangan ni Dana ng tulong laging may tumutulong sakanya dahil palaging nakasubaybay si Jay.

Ngunit hindi parin nawawala ang mga bangayan nila may mga pagkakataon na nagkakabangga ang mga ideas nila lalo na sa pagle-lead ng mganestudyante bilang sila ay kabilang sa Student Council.

Lumipas ang dalawang taon na ganun ang set up.(3rd year na sina Dana at 4th year naman sina Jay)

Ngunit sa lahat ng pagkakataong down si Dana laging si Jay ang nagpapagaan ng loob niya.

Lalo na noong nagpasya siyang itigil na ang kahibangan niya kay Mike dahil sa encounter nila sa SSG office.

Pagkatapos ng flag retreat ay pinatawag ni Jay ang lahat ng SSG officers.Sa taong iyon siya ang presidente at si Dana ang Treasurer.

Hindi naka attend ng meeting si Dana dahil namamaga pa ang mata dahil sa encounter nila ni Mike sa SSG office.

Hindi pa alam ni Jay ang tungkol doon dahil galing siya ng Seminar sa Cebu at ang mga kaibigan niyang inuutusan niyang mag masid kay Dana ay busy din sa Scouting na naganap sa School nila.

*The encounter you can read chapter 3 "First heart break" in my first book FIVE YEARS AFTER BREAK UP*

Bago magsimula ang meeting.

"Where is Ms.Enriquez and Mr.Cortez?" Tanong ni Jay kay Vince

"Ammm...my emergency lang" Mailap na palusot ni Vince at nagtinginan sila ni Norine.

Halata ang kaba sa mata ni Jay "Anong nangyari?" Mabilis na tanong ni Jay na halatang alang alala.

"Ahh..masakit ulo..." Mabilis ngunit puno ng kaba na palusot ni Norine at nagtinginan ulit sila ni Vince.

"Ehh si Mr Cortez?" Nagtatakang tanong ni Jay.

Nagtinginan sina Vince at Norine at sabay na napalunok.

Bago pa man magtanong ulit si Jay ay nakita niya si Dana na tumakbo at umiiyak sa tapat ng SSG office.

Napatigil si Dana ng mahawakan ni Mike ang kaliwang braso at ng makaharap si Dana kay Mike ay malakas na sampal ang dumapo sa maputing mukha ni Mike na dahilan ng pamumula niya.

Lahat ng officers napatingin sa kanila ng magsalita sa si Dana habang umiiyak.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan" Banta niya at tinulak niya papalayo si Mike.

"Please Dana,sorry please" pagsusumamo  ni Mike at umiling lang si Dana.

Maya maya pa ay may tumigil na motor at bumababa si Greg.

The man who can't be movedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon