"Liza! Liza anak!" isang tinig ang pumukaw sa tulog na kamalayan ni Liza. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Malabo ang paligid. Tila ba nasa tabing dagat siya na makapal ang fog at halos wala na siyang makita. Ipinikit dilat niya ang kanyang mga mata. Ilang ulit. Hanggang sa wakas ay nahawi na din ang tila katsang nakaharang sa liwanag ng kanyang paningin. Tumambad sa kanyang paningin ang imahe ng ina.
"Inay!" Isang mahigpit na yakap na halos magpasubsob sa kanya kanyang ina sa kama ang iginawad niya dito. Wala siyang kasing saya sapagkat panaginip lamang ang lagim na akala niya'y dinanas nya na sangkot pa ang kanyang Impo Felisa at Lolo Leoncio. Inilibot ni Liza ang paningin sa kabuuan ng silid na kanyang kinagisnan mula sa kanyang tila napakahabang pagtulog. Kakaiba ang mga kagamitan ng silid na ito. Para bang pagmamay ari ng mayamang tao. Tiningnan niya ang kanyang ina upang tanungin kung nasaan siya ngunit sindak ang kanyang nadama. Anyo ng kanyang ina ang kanyang namalas ngunit ang ayos nito-buhok, pananamit at higit sa lahat ang makapal na pintura sa mukha nito...hindi ito ang nanay nya!
"Sino po ka-kayo?" Magalang niyang tanong. "Nasaan po ako?"
"Honey, I'm your Mom. Ano bang nangyayari sayo bata ka? I came from a conference in Japan and this is what greeted me. Your yaya panicking because you went to sleep two nights ago and apparently you haven't waken up until now. What happened sweetheart?"
"A-ano po? Hindi ko po maintindihan ang mga sinabi ninyo. Kayo po ang Nanay ko? Nanay Pilang?"
"Hay naku. Since when did you call me Nanay? And Pilang? Eeww! Gross! Ofel sweetheart, Mommy Ofel! Get a grip of yourself Liza ok? I'll just be in my room. I'm so tired!" At pumihit na nga ang kawangis ng Nanay Pilang niya at tuluyan ng lumabas ng silid na iyon.
Painut inot na bumangon si Liza mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi niya maintindihan ang mga sinabi ng ina nya. Wala siyang maalalang ganung mga pangyayari. Japan? Galing sa Japan ang Nanay niya? Eh kahit sa kabayanan eh iisang beses pa lamang ito nakaluluwas doon Japan pa kaya? At kelan pa natuto magsalita ng wikang banyaga ang kanyang Nanay? Sa pagkakaalam ni Liza ay hindi pa nga natapos ng kanyang ina ang ikalawang baitang ng mababang paaralan. Sino ang babaeng nasa harapan niya kanina? Duda talaga siyang hindi iyon ang Nanay niya. Pero kung hindi iyon ang Nanay niya, sino iyon?
At nasaan ang Nanay Pilang niya???
Wag po sana ninyo kalimutan pindutin ang ⭐️ upang iboto ang mga kabanatang naibigan ninyo.
Salamat po.
BINABASA MO ANG
🕳️DILIM 🕳️
HorrorNaglahong lahat ng tao sa Barrio Suarez sa isang iglap maliban sa dalawang magkababatang matagal na hindi nagkita ~ si Liza at Alejandro. Dumating ang dilim na bumalot sa mundo nila at pinalitan ng isang pangalawa at kabaligtarang dimensiyon kung sa...