Halos mabuwal si Liza ng tumambad sa kanya ang mukha ng binatilyong umiiyak sa tuktok ng parola!
"Ikaw? Paanong...?" mulagat na tanong ng dalagita.
"Ako si Alejandro. At ikaw Liza na aking kababata at matalik na kaibigan ang akin ding Lola...alam ko mahirap unawain. Ako man nung simula ay nagtaka, naguluhan at hindi makapaniwala. Lahat ng dimensyon na napuntahan mo at pawang mga ilusyon lamang. Mahirap tukuyun kung aling dimensyon sa buong kalawakan ang totoo o hatid lamang ng ating aktibong imahinasyon."
"Ginoo, wala akong maunawaan sa iyong mga sinasabi! Huwag kang magbiro ng isang nakasasakit na biro!"
Muling napahagulgol ng panangis ang binatilyo. Malamlam na tumitig sa mga mata ni Liza.
"O Margarita...ako kaya'y mapapatawad mo?"
"Liza ang aking pangalan. Hindi ako si Margarita!"
"Liza o Margarita...ika'y iisa lamang. Amorsolo, Alejandro, ang aking ispiritu ay nag iisa lamang na naghahangad ng iyong kapatawaran."
Tatalikuran na sana ni Liza ang kausap ngunit nahawakan siya nito sa bisig.
"Pakiusap! Pakinggan mo ang aking paliwanag! Bigyan mo ako kahit ilang minuto lamang ng iyong oras."
"Labinlimang minuto, sige. At iyon at nagsisimula na ngayon!"
Mabigat na sumalampak ang binatilyo sa pinaka punong baitang ng paikot na hagdan paakyat at pababa sa tuktok ng parola. Bago nagsalita, isang malungkot na ngiti ang iginawad nito kay Liza.
"Narito ang aking kwento..."
~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ •
Matapos ikwento ni Alejandro/Amorsolo kay Liza/Margarita ang istorya ng kauna unahang Amorsolo at Margarita, ang kanilang dapat na pag-iisang dibdib, ang kayaksilan ni Amorsolo kasama ng ama ni Margarita, kung papaanong nadiskubre ni Margarita ang tunay na pagkatao hindi lamang ni Amorsolo kundi pati narin ng ama nito na lahat ay nauwi sa madugo at halos magkasabay na pagpapatiwakal ni Margarita at ng ama nito na nag iwan ng isang sumpa ng paghihiganti na magpapasalin salin hanggat hindi nakakamit ng kaluluwang nagpupuyos at puno ng galit ang karampatang hustisya.
Tulala si Liza. Nakatitig lamang sa mas matandang bersiyon ng kanyang matalik na kaibihang si Amorsolo. Hindi makapaniwala sa kanyang istoryang narinig.
"Kung gayo'y ako ay isa lamang bersyion ng unang Margarita? Ilang beses ba tayo mamamatay at muling mabubuhay bilang mga bagong bersiyon ng ating mga sarili upang paulit ulit lamang mauwi sa trahedya ang ating mga buhay?"
"Wala akong maisasagot sa katanungan mong iyan Marga..Liza. Maaaring hangga't hindi napapayapa ang mga kaluluwa ng ating mga orihinal na bersiyon... "
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan ng dalawang nilalang sa parola. Maya maya ay may naalala si Liza kung kaya't agad itong nag unat at tinanong ang kausap:
"Bakit sa ibang lugar pati na rin aking pinagmulan ay bigla na lamang nag iba ang ihip ng hangin at ang sumunod na ay ang pagbangon ng mga patay na aking nakita mismo - nito, ng dalawang mata ko, kitang kita ko silang mga yumao na tinabunan ng lupa at ipinagluksa ng kanilang mga naulila. Bakit nabuhay ang mga yumao na?"
Nang magtama muli ng paningin ni Liza at ng binata ng bersiyon ni Alejandro ay ganun na lamang ang gulat at pangamba ni Liza sa kanyang nabanaag sa mga mata na pinagtanungan...
Matinding takot ang namalas ni Liza sa mga mata ng kausap!
BINABASA MO ANG
🕳️DILIM 🕳️
HorrorNaglahong lahat ng tao sa Barrio Suarez sa isang iglap maliban sa dalawang magkababatang matagal na hindi nagkita ~ si Liza at Alejandro. Dumating ang dilim na bumalot sa mundo nila at pinalitan ng isang pangalawa at kabaligtarang dimensiyon kung sa...