"Bumangon ang mga yumao na?" Ang ulit ng lalaki sa katanungan ko.
"Bumangon, nagsipaglakad, at sinakal pa ako ng Impo Felisa ko."
Kung totoo yaong sinasabi mo isa lang ang ibig sabihin niyan..."
"A-ano ang ibig sabihin ng pagbangon ng mga patay?" Kinakabahang tanong ni Liza.
"Ang ibig sabihin ng mga ganuong kaganapan ay malapit ng mag abot ang dalawang dulo ng bilog. Malapit na ang pagsasanib ng simula at wakas. Ang pagsilang at kamatayan. Ito na ang kaganapan ng sumpa mo - ni Margarita. Nasa huling yugto na ng paghahanap ng katarungan at paghihiganti ang kaluluwa niyang kailanma'y di pa natatahimik. Sa mga panahong ito - sa panahon sa dimensyon mo magaganap ang isa sa dalawang maaaring kahantungan ng sumpa na iyon."
"Anong dalawang kaganapan Akala ko ba ay patapos na?"
"Lahat ng pinamahayan ng kaluluwa ni Margarita at Amorsolo ay maghaharap kasama ang dalawang nagkasala. Kailangang may isa sa nga katauhan ni Margarita ang magpatawad kay Amorsolo upang matapos na ang lagim na dulot ng kinamatayang poot at galit sa puso ni Margarita. Mahirap gawin ang pagpapatawad na iyon dahil lahat ng Margarita ay lalasap muna ng sakit at pait na siya ding pinagdaanan ng pinaka-una."
"Kung ako ay isa sa katauhan ni Margarita at ang Amorsolo ng dimennsyon ko ay si Alejandro, sinisiguro ko na kung nagkasala man si Alejandro ay akin siyang mapapatawad. Ang pinakamalaki niyang naging kasalanan sa akin ay ng masira niya ng hindi sinasadya ang kwaderno ko sa agham..."
Tinitigan lang siya ng lalaking kaharap. Nananatili paring basa ang mga mata nito ngunit nag ampat na ang pagluha nito. Nag alumpihit si Liza sa titig na iyon na tila nanunuri. Naninimbang.
"Totoo ang aking sinabi. Handa kong patawarin si Alejandro..."
Mahina, marahan at mababa ang boses ng kausap ng ito ay tumugon:
"Sana nga ay ganoon nga kadali ang iyong haharaping pagpapatawad. Ang kasalanan ni Alejandro sa iyo ay hindi pa nagaganap, tandaan mo. Kinakailangang bumalik ka sa iyong sariling dimensyon. Hanggat hindi pa nangyayari ang pagkakasala sa iyo ni Alejandro. Kung ito ay inyong mapipigilan, matatapos ang lahat ng ito ng walang dadanak na dugo o buhay na ibubuwis."
Nanatiling nakatitig lamang sa kanya ang kausap.
"Paano ako makababalik sa sarili kong dimensyon?"
"Matulog ka kung saan mo unang iminulat ang iyong mga mata sa dimensyong ito. Ang iyong balintataw ang siyang daan sa pagpapalipat lipat ng mga dimensyon."
"Kung gayon ay paalam na at ako ay babalik na sa aking tunay na daigdig."
Agad na tumalikod si Liza at nagsimulang maglakad palayo sa lalaki. Ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa ng ito ay muling magsalita:
"Samahan ka nawa ng pagmamahal ng Maykapal binibini sapagkat sa iyong dimensyon magaganap ang pinakamasakit at walang kapatawarang magiging pagkakasala kay Margarita ni Amorsolo!"
BINABASA MO ANG
🕳️DILIM 🕳️
HorrorNaglahong lahat ng tao sa Barrio Suarez sa isang iglap maliban sa dalawang magkababatang matagal na hindi nagkita ~ si Liza at Alejandro. Dumating ang dilim na bumalot sa mundo nila at pinalitan ng isang pangalawa at kabaligtarang dimensiyon kung sa...