Ang Umiiyak sa Parola

637 33 0
                                    

Suot ang isang simple ngunit nangungusap na ternong kulay lila, mabilis na binaktas ni Liza ang daan patungo sa parola. Hangang hanga siya sa istruktura ng parola at sa tanglaw na binibigau nito hindi lamang sa mga mandaragat sa gabi ngunit pati na din sa mga namamasyal sa dalampasigan. Narating na ni Liza ang parola at agad siyang umakyat upang mamalas ang ganda ng paligid sa ilalim ng tanglaw na ibinibigay nito.

Bumungad sa kanya ang paikot na hagdan sa bukana ng parola. Mas lalong sumudhi ang pagnanais ng dalagita na makaakyat sa tuktok ng parola upang mamalas ang grandiosong istruktura at ang tinatanglawan nitong katubigan. Ang pakiramdam ni Liza ay nasa isa siyang lugar ng engkantasya. Animoy mga mumunting brilyente ang bawat patak ng karagatan na nasisinagan ng dakilang araw.

Laking gulat ni Liza sa tumambad sa kanya sa tuktok ng parola.

Isang kabataang lalaki na nakayukyok sa isang sulok at mahinang humahagulgol.

"Mawalag galang na...bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba? Mahinahong tanong nito sa nakayukyok paring binatilyo.

Bahagyang tumigil ang pagtaas baba ng balikat nito ngunit nanatili paring nakatalikod ito sa kanya.

"Ahhm, may dinaramdam ka ba? Baka may naitutulong ako sa iyo?"

Katahimikan...

Hanggang sa isang garalgal na boses ang narinig ni Liza, puno ng pighati, galit at kalungkutan:

"Hindi ka nabibilang sa dimensyong ito. Bakit ka nananahan dito? Ano ang iyong pakay?!"

"Wala akong pakay at sa totoo lamang hindi ko rin maunawaan ang nangyayari sa aking bawat pag gising...iba't ibang lugar ang aking kinagigisnan. Ang nais ko lamang naman ay hanapin ang aking mga magulang at ang aking kababata, ang aking kaibigang si Alejandro."

"Ki-kilala mo si Alejandro?" Tila may takot sa boses ang binatilyo. Nananatili parin itong nakatalikod kay Liza.

"Oo siya ang aking kababata. Kilala mo din siya?" Nagtataka si Liza kung papaanong nakilala ng binatilyong umiiyak si Alejandro.

Natigilan ang binatilyo. Matapos ang ilang minuto, muli itong nagsalita:

"Si Alejandro ang bantay nitong parola."

At dahan dahan itong humarap kay Liza.

Halos mabuwal si Liza ng tumambad sa kanya ang anyo ng binatilyong umiiyak sa parola!

🕳️DILIM 🕳️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon