Lagabog sa Silong

853 51 0
                                    

Gabi ng muling magmulat ng kanyang mga mata si Liza. Napahaba yata ang kanyang tulog. Nag inat pa siya ng dalawang braso at ng kanya itong ibaba at tumama ang siko nya sa matigas na papag na kanyang kinahimlayan. Napabalikwas sya ng bangon. Sa gitna ng kadiliman ng gabi ay iginala niya ang kanyang mata. Nasa sariling bahay na nila siyang muli! Ganun na lamang ang galak ng dalagita at maliksing lumundag pababa sa higaan niyang papag.

"Inay! Itay!" Sigaw nya habang pasugod na tinungo ang silid ng mga magulang.
Ngunit wala ang kanyang ina o ama sa naturang silid. Napuno ng takot ang damdamin ni Liza. Kung panaginip lamang ang pangyayari kahapon, na ang kanyang ina ay nasa kaanyuan ng babaeng ang nais na itawag niya ay Mommy Ofel, bakit wala sa kanilang tahanan ang kaniyang Nanay at Tatay.

Lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso ng may lumagabog sa silong ng kanilang bahay. Agad na dumako ang paningin ni Liza sa pinto ng bahay. Medyo nakahinga lamang siya ng maluwag ng makita niya itong nakakandado. Ilang sandali pa muli na namang lumagabog ang silong nila. Animo'y may humahataw sa kawayang isang matigas na bagay. Agad lumabas ng silid ng magulang si Liza at kinuha ang pinakamalaking patalim sa kusina at agad na pumasok sa sariling silid. Itinabing niya ang manipis na kurtinang nagsisilbing harang nito upang mabigyan siya ng pribadong lugar kapag siya ay natutulog o nagbibihis. Mahigpit din ang hawak niya sa patalim. Walang tigil ang panginginig ng kanyang buong katawan dahil sa matinding takot. Sa isip niya at baka magbalik ang mga patay na nagsipagbangunan noong nakaraang araw. Wala pa siyang kasiguraduhan kung ang mga naganap nitong nakaraang dalawang araw ay bangungot ba o hindi.
Kaya't ganun na lamang ang higpit ng pagkakahawak niya sa kutsilyo, handang ipagtanggol ang sariling buhay laban sa kung ano mang masamang elementong nananahan sa dilim.

🕳️DILIM 🕳️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon