Mula sa paglingon at pagkamalas sa nga ka-babaryo nilang nangamatay na na muling nagsibangunan magmula sa hukay ay saglit na lumingon pabalik kay Liza si Alejandro, wariy nagtatanong ang mga mata sa susunod na gagawin.
Tango lamang ang iginawad ni Liza dito at nagkaunawaan na sila.
"Takbooo!!!" Ang hiyaw ng dalawang bata sabay karipas ng takbo!
Walang humpay ang na pagtakbo ang ginawa ng dalawa upang takasan ang paniguradong malagim na kamatayan sa kamay ng mga hayok sa lamang nabuhay na mga patay. Hanggang sa may marinig na lamang si Liza na isang sigaw mula sa kanyang likuran. Si Alejandro!
At sa kanyang paghinto at paglingon ay nakita niya si Alejandro nakasubsob at nakadapa sa mabatong daan palabas ng kasukalan habang ang agnas na si Mang Bestre ay palundag na kumubabaw sa likuran nito na tumutulo pa ang laway sa pagkahayok na lamunin si Alejandro.
"Lizaaa!!! Tulong!"
Hindi makagalaw o makasagot si Liza. Hindi malaman kung paanong tulong ang gagawin sa kababata. Heto pa at sa likuran ay kasunod ang hahapay hapay sa katabaan ang agnas naring si Aling Ingga. Mabuti na lamang at kahit patay na ay nanatili ang pagkadambuhala nito na siyang nagpabagal sa galaw nito kundi ay dalawa na ang nakadagan kay Alejandro.
"Bahala na!" Bulong ni Liza sa sarili. Susugurin nya at itutulak si Mang Bestre at pipiliting makuha ng ligtas si Alejandro bago pa makalapit si Ingga at ang iba pang mga halimaw.
Pumikit, huminga ng malalim at isang maikling panalangin ang inusal muna ni Liza at saka dumilat para daluhan si Alejandro.
Ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat ng sa pagkakakurap ng mata ay wala na doon si Alejandro at Mang Bestre. Wala na rin lahat ng mga patay.
"Ngunit...kanina lamang ay..."
Nasaan si Alejandro?! Nasaan ang mga halimaw na tumutugis sa kanyang kababata? Baka...baka napunta sila sa ibang dimensyon...? Baka nagawang makalipat ng dimensyon si Alejandro sa pamamagitan ng pag konsentrasyon ng isipan. Ngunit paanong nawala din ang mga bangkay na hindi na gumagana ang mga utak sa paraang nakakapag konsentrasyon pa. Bakit nawala din sila? Nakasama kaya sila kay Alejandro sa paglipat nito sa ibang dimensyon? At saan ang ibang dimensyong iyon? Ilang dimensyon ba meron na maaaring puntahan ni Alejandro? Ano bang hiwaga ang nangyayaring ito?
Sa kauna unahang pagkakataon magmula ng mawalay sa kanyang mga magulang sa simula ng hiwagang bumalot sa Barrio Suarez ay nakadama ng matinding takot si Liza. Takot na wala na lahat ng kanyang mga mahal sa buhay at siya na lamang ang nag iisang nilalang na natitira sa sansinukob.
Pinaglabanan niya ang takot. Kinalma ang sarili at inayos ang isip. Kailangan niyang mahanap si Alejandro! Naguguluhan na siya sa mga nangyayari! Anong hiwaga itong kanyang namamalas? Mahabaging langit! Tulungan Ninyo po ako!
BINABASA MO ANG
🕳️DILIM 🕳️
HorrorNaglahong lahat ng tao sa Barrio Suarez sa isang iglap maliban sa dalawang magkababatang matagal na hindi nagkita ~ si Liza at Alejandro. Dumating ang dilim na bumalot sa mundo nila at pinalitan ng isang pangalawa at kabaligtarang dimensiyon kung sa...