Sino ka? Ay oo nga pala. Isang mambabasa. Binabalaan kita, wala 'tong halaga dahil ito ay ginawa lamang ng isang tatanga-tanga. Pero dahil mapilit ka, edi sige... basa na.
Kanina, napadaan ako sa sa isang magulo at masukal na mundo. Madumi, mabaho, magulo at maraming tao, maraming tambay at mukhang engkanto pero sa kabila ng mga iyon, isa lang ang napansin ko... masaya sila. Eh ako kaya, masaya ba?
Ilang araw na lang, magpapasko na. Kitang-kita ko na nga ang mga christmas light sa kahit saang sulok na puntahan ko. Ang dami na namang madudugas na negosyante ang masaya. Pa'no ba naman eh kahit binabarat na nila ang mga mamimimili ay kakagatin pa rin ang trip nila, may masabit lang na magandang parol sa kanilang mga pintuan, numumutaktak sa ilaw ng christmas light at ang mga lampayatot na Christmas tree na mabibili sa bangketa. Madaming masaya, yung mga batang binigyan ng pamasko ng mga ninong at ninang nila na kung di pa magpapasko ay di pa sila maaalala. Sino pa ba ang masaya? Ay, oo nga pala, andyan rin ang mga mag-irog na halos araw ginawang Valentines Day sa paglalampungan sa mga parke. Ang mga tabain na mahilig kuain ay tiyak na tuwang-tuwa rin dahil bulto-bulto na naman na pagkain ang maiiimbak nila sa binubulate nilang tiyan. Oo nga pala, isa rin akong matakaw na tulad nila. At sinong di makakalimot sa mga matatanda na. Masaya sila kasi umabot na naman sa buhay nila ang pasko, buhay pa rin sila.
Ewan ko ba, kung ano-ano na lang ang napapansin ko. Ilang araw na lang kasi, magpapasko na. Lahat masaya, eh ako ba?
Kaninang umaga, umalis ako ng bahay na naka-civilian. Wala lang, trip ko nga suot ko ee, blue na Tshirt at itim na maong, ginamit ko rin yung regalong sapatos ng bestfriend ko at ang nakakabigla pa, nasuklay ko ang buhok ko bago umalis ng bahay. Kadalasan kasi ay sa daan ako nagsusuklay. Pero ano nga ba ang ipunupunto ko? Wala, hindi kayo inidoro pero gusto kong maglabas ng sama ng loob. Kasi kanina rin... bago ako lumabas ng bahay, narinig ko ang sermon ni Mama.
"Ba't naka-civilian ka? Maglalakwatsa ka na naman? Niloloko mo na naman kami?! Sharmaine, putangna naman!"
Napangiti na lang ako ng mapait sa kanya. Porke ba hindi ako naging DL ngayon ay niloko ko na sila? Ano nga ba ang mahalaga, ang grades o ang anak nila.
Minsan hiniling ko na sana, sa ibang pamilya na lang ako lumaki. Sa totoo lang, nakakapagod ang ganito. Buong buhay ko, lagi na lang ganito. Mahal ko naman sila e, at ginagawa ko ang lahat para mapasaya sila pero kulang pa pala. Lenshak kasing expectations yan, sino ba ang bumuo ng salitang yan at ng masampal ko ng 1000 times. At sino rin ang bumuo ng salitang comparison at ng madouble-dead ko pa.
Kanina, napadaan ako sa sa isang magulo at masukal na mundo. Madumi, mabaho, magulo at maraming tao, maraming tambay at mukhang engkanto pero sa kabila ng mga iyon, isa lang ang napansin ko... masaya sila. Eh ako kaya, masaya ba?
Meron bang magiging masaya sa gantong sitwasyon. Ang buhay ko ay parang isang joke, patawa. Ano na naman ba 'tong pinagsasabi ko. Ayy oo nga pala.
Minsan may isang tanga... na naghangad na sumimple ang buhay nya.
Minsan may isang tanga... na humiling na kahit minsan man lang matanggap siya kung sino talaga siya.
Minsan may isang tanga... at ako yun.
Tanga ako sa paningin nila. At pagod na ako, nakakapagod din pala. Nakakapagod din pala ang ipilit sa kanila na hindi ako tanga. Nakakapagod, ang sarap maghugot. Pero hindi pwede kasi masakit, oo na, tumawa ka. Libreng pagtawanan ang isang tanga.
Pagpasensyahan mo na. Ganito lang ako, tatanga-tanga. Maaaring di mo magets, baka isipin mo inaaaway kita. Pero sige nga, isipin niyo nga... minsan ba sa buhay nyo, naging tanga ka?
Wala lang ulit. Ewan ko, wala tong edit kaya libre okray. Pero sige lang, sanay naman na akong naoookray. Hahaha. Oo na, wala ng sense ang sinasabi ko.
Pero alam nyo ba, naniniwala ba kayo na may hope pa sa isang hopeless na tulad ko? Kasi ako, oo. Tanga ako pero nangarap rin ako na sana, minsan... hindi na ako maging tanga sa paningin nila.
Patuloy pa rin akong umaasa na sana, kahit minsan... matupad ang mga hiling ko, ang mga hiling ng isang tangang tulad ko.
Eh kayo ba? Naniniwala pa? Wag kayo mawalan ng pagasa, tiwala lang... darating din yan.
Darating din ang araw na ang mga agam-agam ay mawawala, darating ang panahon na hindi na tayo mapapagod kasi pagdating ng panahon na 'yon, puro na lang kaligayahan, puro na lang kasiyahan.
Heto ako, naghihintay sa araw na yun. At dahil isa akong tanga, patuloy pa rin akong aasa.
Binasa mo ba 'to? Di ka naman naiyak? Pasensya na, nonsense lang to. Tanga e.
Hanggang dito na lang ako, kita ko na kasi sipon mo. Sana ay maging masaya ang pasko mo kasi ako... sana ganon din...
...kahit di ako sigurado.
Nagmamahal,
Tanga
BINABASA MO ANG
Realidad
General FictionMinsan, mas mabuting masampal ng katotohanan ang mundong punong-puno ng kasinungalingan. Pinagsama-samang maikling kwento na tumatalakay sa realidad ng buhay.