- 2 -

95 4 0
                                    


###

- 2 -

Makalimutin Ako

"Who the hell are you to stop me?!" Sigaw nung Fangirl.

Wow ha! Feeling maganda naman itong babae na'to. Makacurse. :/

"You know me very well." Makahulugang sabi ng misteryosong lalaki.

Matalim naman ang tingin na binigay ng Fangirl sa lalaki. At nagulat nalang ako nang biglang namilog ang mga mata ng Fangirl. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Are you by any chance COEN BAINE? The vocalist of the band BLUE X-RAY?"

(O___O)

Huh? Coen? Coen? Saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yan?

*TING*

Aha! Blue X-RAY Vocalist?

Oh my Golly Gosh! My Worst Nightmare and Mortal Enemy!!!

"No." Simpleng sabi ng lalaki.

"Siraulo ka pala eh. Hindi ka naman pala siya! Niloloko mo ba ako?" - Fangirl

Bastos talaga tong bwisit na babaeng 'to. Obsessed lang?!

"Kung sasabihin ko bang ako siya, iibahin mo na ba ang pakikitungo mo sa akin? Diba hindi naman?" Nakasmirk na sabi ng misteryosong lalaki dun sa Fangirl.

Medyo may pagkasuplado ang misteryosong lalaki na'to. Bagay nga sa Obsessed na babaeng fangirl. Akala niya ha.

"Well tama ka nga. Ako nga siya." Pagkasabi nito ay may biglang pumalakpak sa likod namin. Ang itsura ng fangirl ngayon ay namumutla na, siguro dahil sa kahihiyan sa ginawa niya. Sigurado akong mapapatalsik na siya sa FAN CLUB. *evil grin*

"Good job bro!" sabay tawa ng mga lalaki sa likod namin at naghi-five silang apat.

Wait lang. Wait. Wait. Wait. Nasa harapan ko ba talaga ang mga pinakapangit na lalaki sa balat ng lupa? Or in other words ang ilang band members ng BLUE X-RAY? Like seriously?

Weh??? Di nga? Sila ba talaga ang kina-kaadikan ni Bessie Hollie (short for Holland)? Seryoso ba sila?

Well, hindi ko sila TYPE 'nu! Asa naman sila! Tsseeehh!

Okay. Before I forget nandito pa pala ang EPAL na Obsessed na Fangirl..

"Sorry. I didn't know. I---" Excuses na pinagsasabi ng Fangirl.

"No need for the explanations cause I don't care." Cold na sabi ni Coen.

Bang! Take that! You deserve it!

Suplado nga. Mga cold-blooded humans pala sila eh.

"Ahmm miss, you better go now." Sabi nung may grayish-white na hair na lalaki.

"Okay. Uhhh. Sorry ulit." Nanlulumo na sabi nung Fangirl.

Pagkatapos sabihin 'yun ay umalis na rin ang OBSESSED na Fangirl na 'yun.

Hay sa WAKAS! Peace and Quiet na rin. Aalis na nga pala sana ako nang may humawak sa braso ko.

"Where do you think you're going?" Sabi ng lalaki na blonde ang buhok.

Uh Oh? Napatalikod naman ako at hinarap sila.

"Aalis na. Bakit mo naman hinawakan ang braso ko?" Mataray na sabi ko naman sa lalaki na blonde ang buhok.

"Wala bang thank you man lang?" Sabi ng lalaki na brown ang buhok na sa pagkakatanda ko ay 'Coen' ang pangalan.

"Salamat pala. Kahit na hindi ko naman hiningi na tulungan mo ako at isa pa hindi ako fan ninyo. Kaya pwede bang pabayaan niyo na lang akong umalis dahil baka machismis pa tayo dito at magkaroon ako ng death threats." Pagkatapos kong sabihin yun ay mukhang namangha pa sila.

Dear InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon