Sa side po pala ang uniform ng freshmen sa CPU. :)
###
- 3 -
Friends
*BZZZT * BZZZT *
[ O__< ] - ITSURA ko habang sinu-snooze ang alarm clock. Ang aga-aga pa. Gusto ko pang matulog...
Pero Monday nga pala ngayon. Sana hindi nalang ako nagpuyat kagabi.
Sa huli nga ang pagsisisi.. Bumangon na nga lang ako, dumiretso sa CR, naligo at nagbihis na ng school uniform namin.
Pumunta ako sa harap ng salamin at tinitigan ang reflection ko.
Nakasuot ng Nerdy Glasses. CHECK.
Nakasuot ng uniform. CHECK.
Dala-dala ang bag na backpack. CHECK.
Tapos na rin akong mag-ayos kaya bumaba na rin ako ng hagdan. Naabutan ko naman si Mommy na nagluluto ng almusal ko. Si Daddy naman ay nagbabasa ng documents kasi may hawak-hawak itong folder. Para yata ito sa projects nito. Engineer at Architect ang trabaho na kinuha ni Dad, nagmultitasking ito nung college nila. Pero buti nga nalampasan niya ang lahat ng pagsubok para maabot ang tagumpay niya sa buhay niya at sa aming sariling businesses ngayon.. So Proud of my Dad.
"Morning Mommy, Daddy!" Masigla kong bati sa kanila.
"Morning sweetie." sabi ni Mommy.
"Mag-breakfast ka muna.." Sabi naman ni Daddy.
Naupo na rin ako para kumain. Ang pagkain na inihanda ni Mommy ay pancake with caramel syrup and milk para sa akin.
Nag-umpisa na rin akong kumain. Ang sarap talagang magluto ni Mommy. Hanggang sa natapos na rin akong kumain. Nagtoothbrush na ako at nireready ang mga gamit ko para umalis..
"Aalis ka na ba anak? Hatid na kita." sabi ni Daddy.
"Okay po Daddy."
"Lagay mo na lang dun sa kotse ang mga gamit mo.."
"Opo Daddy." Pagkatapos kong sabihin yun ay pumunta na ako sa sasalyan at inayos ang mga gamit ko. Kasalukuyang hinihintay ko si Daddy sa sasakyan.
Ba't ang tagal naman niya yata?
Bababa na sana ako sa kotse pero nandiyan na pala si Daddy na may kausap sa phone. Ibinigay nito ang susi sa akin. Marunong kasi akong mag-start ng kotse. Hanggang diyan lang. Hindi pa kasi ako nila tinuturuan. Hmphhh! ︶︿︶
Sumakay na si Daddy ng kotse at nagsimula ng magmaneho hanggang sa nakarating na kami sa school..
"Thank you Daddy!" Sabi ko at kiniss ko siya sa cheeks.
"Take care.."
"Opo daddy."
Umalis na rin si Daddy pagkatapos nun. Papasok na ako sa school hallways ng may biglang nagblindfold ng kamay niya sa akin..
"Guess Who?" sabi nito.
Alam na alam ko talaga kung sino 'to. Hindi ako tanga, ano?
"Holland Enna Cordelia! Kunin mo ang kamay mo sa mga mata ko ngayon din."
Kinuha niya na rin pagkatapos ang kamay nito na nakatakip sa mga mata ko.
"Hi Bessie." Sabi nito habang naka-smirk..
"Ano bang trip 'yun? May patakip-takip ka pang nalalaman.."
Tumawa lang ito.
"May nakakatawa ba?"
BINABASA MO ANG
Dear Inspiration
Teen FictionInspiration Series #1 Irra Laure Espando story. Her life changed when she met the FOUR handsome men of a well-known boy band. She is not captivated by their charms, looks, and body. But instead she is a Certified HATER of that band. But an unexpecte...