- 8 -

24 1 0
                                    


###

- 8 -

Naguguluhan

"What the hell are you doing here?!" Mataray na sabi ko sa kanya.

"What a rude way to talk to a VIP guest, missy." Sabi nito. Na para bang sinadya talaga na i-emphasize ang word na 'VIP'.

"I don't care! Sa'yo na nga 'yung pagkain na yan. I'm outta here! Nawalan na ako ng gana." Mean na kung mean. I'm pissed. Which reminds me, teka ang pagkain ko pala! Aalis na sana ako pero bigla niya ring hinigit ang braso ko.

"May alam akong pwedeng puntahan. Sama ka?" Kinuha niya ang pagkain na hawak-hawak ko at inilapag niya sa pinamalapit na table at hinila na ako paalis sa sinabi nitong lugar na tahimik daw..

"Ewan ko sa iyo, Coen. Bitawan mo nga ako!"

Nagpupumiglas ako pero hindi niya talaga ako binibitawan kahit na anong pagkalas ang ginagawa ko at kaya ay hila-hila niya pa rin ako.

Goodness Gracious! Naka-heels kaya ako pero hinihila niya ako na parang hindi niya alam na masakit sa paa ang high heels!

Hanggang sa nakarating kami sa sinabi niyang pupuntahan daw namin. And guess what? Sa rooftop lang pala ng hotel. Akala ko pa naman kung saan.

Maganda ang view dito infairness ha. Tama nga siya.

Pero bakit parang may humahawak sa kamay ko? Tinignan ko naman agad. May nakahawak nga pala.

"Ahmm. A-ano bitawan mo na ako." Eych. Nag-stutter na naman ako.

Binitawan niya naman ako agad. And he looked away. Tumingin naman ako sa malayo.

EH? Ang awkward talaga! Siguro dahil na kaming dalawa lang ang nandito.

"Maganda ba?" Tanong nito sa akin.

"Oo. Medyo Peaceful. Nga pala matanong ko lang kung bakit ka nandito? Sorry kanina nabigla lang kasi ako sa iyo. I didn't expect to see you here."

"Ako rin. Hindi ko rin alam na anak ka pala ng host ng party. I mean ng designer.."

"Okay lang. Sinong kasama mo dito? Nasaan na ang kabanda mo? And also what happened to the t-shirts you always wear? Naka-coat and tie ka kasi. Formal na formal ang dating. Nanibago lang ako."

"Are you applying that I'm handsome? Thank you for the compliment. You too in that get-up. It's my first time na nakita kitang naka-dress at walang eyeglasses na suot. Ang ganda mo pala."

Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya. What is happening to me?!

It's different. I changed? Hmmm. Get a hold of yourself, Irra! Si Coen lang 'yan huwag kang magpapaapekto sa kanya.

"Sinong nagsabi na handsome ka! Ang pangit mo nga eh! Huwag ka namang bolero!" Tumawa lang ito.

"Sa totoo lang, Irra. Nagandahan talaga ako sa iyo. Hindi ito isang bola. I think I like you.."

"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? Pinasukan na siguro ng hangin ang ulo mo."

"Totoo ang mga pinagsasabi ko. I don't know when it all started.. Pero kapag kasama mo si Ryne. Nagseselos ako. Kunwari hindi ako nasasaktan. Maybe I don't cry it sounds gay, but it hurts. Maybe I won't say, but I feel. Maybe I don't show, but I care for you.."

Ha? I'm speechless. Ano ba'to isang Love confession? Err- I mean Like Confession. He like me daw eh.

"Seryoso ka ba? Bakit pabigla-bigla naman. This is so sudden. At sa party pa ng mommy ko? You're kidding, right?"

Dear InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon