- 6 -

41 3 0
                                    


###

- 6 -

Concert

Nandito pa rin kami sa Arena na nanonood ng concert.

Haiisst. Ang ingay-ingay ng mga tili ng mga tao dito kasama na diyan si Bessie Hollie. Nakakainis naman.

Pero ako deep inside na-amaze ako sa talent at skills nila na mag-play ng musical instruments ha. Kahit na first time ko palang itong narinig. Isa kasi akong music lover at alam ko ang mga magagandang kanta na magaganda ang beats at diyan talaga ako nagagandahan.

Pero medyo hindi ko na medyo marinig dahil ang iingay ng mga tao dito. Buti talaga na dito kami sa FIRST ROW. For the first time in my life na naging thankful ako na nagkaroon ako ng chance na makakita ng concert na sa unahan talaga na abot-kamay mo lang sila. Malapit lang kasi kami sa stage. Magtithank you nalang ako mamaya kay Ryne.

Tinitigan ko naman ang diary na binigay sa akin ni Coen. Ano bang gagawin ko dito? Alam ko namang sinusulatan 'to, pero ano ang isusulat ko dito?

Ah!!! Alam ko na.. May idea na biglang nag-pop sa isip ko. Alam ko na talaga ang isusulat ko dito. Pero mamaya ko na isusulat pagdating ko sa bahay. Wala akong dalang ballpen eh at isa pa ang dilim kaya dito. Hindi ko makita ang isusulat ko..

"Thank you for coming into this concert! We really appreciate it. So, for our next song it is all dedicated to all of you as a thank you gift for making our album a big success." Sabi ni Coen sa mga tao dito. Nakita kong ngumiti siya for the first time. Pati na rin sila Ryne, Eero at Lennox nagthank you na rin at nag-bow bilang pasasalamat. Nag-ingay pa rin ang mga tao dito.

Wow! Parang first timer ako dito. Lahat-lahat kasi ng nakikita ko ay ganoon ang feeling ko.

"Bessie Hollie, hanggang anong oras pa ba tayo dito?"

"Siguro mga 9:45pm?" Aniya.

"Ang tagal pa." Mga 7 pm palang kaya.

Tumingin nalang ulit ako sa stage.

Busy ang mga MOKONG sa pag-eentertain sa mga fans nila. Nakakatawa ang itsura nila pero pinipigilan ko lang na tumawa. Baka mahalata ni Bessie Hollie.

"Thank You again for coming guys!!!" Sabi nilang apat at nag-bow na rin.

Ah so tapos na rin pala. Time flies so fast when you're enjoying the moment.

Umalis na rin sila pagkatapos at pumuntang backstage. Aalis na rin sana kami..

Nagulat na lang rin ako nang mag-vibrate ang phone ko.

From: Ryne

Punta kayo dito sa backstage. Sama mo na rin si Hollie..

Huh? Ano na namang gagawin namin dun?

Sinabihan ko naman si Hollie na pupunta kami sa backstage. At nakita kong nagpalit ang expression niya at mukhang excited na ito. Nagniningning kasi ang mga mata nito. Yun nga papunta na kami sa backstage at pinapasok ng bouncer. Siguro kilala niya na ako? Nandito rin kasi ako kanina lang..

Hinanap ko naman kung nasaan na ang mga lalaking yun. At yun nakita ko rin na abalang nakipag-usap sa manager nila siguro? Hindi ako sigurado eh. May pagkakalimutin kasi ako.

"Hey there!" Bati sa amin ni Lennox na nakangiti..

"Hi!!!" Bati rin ni Hollie na todo-ngiti.

"Nasaan ba si Ryne?" Tanong ko kay Lennox.

Nakakunot-noo naman ito. Pero sinagot niya naman agad ang tanong ko.

"Ahmmn. Nandoon. Nag-uusap sila ni Coen." Sabay turo sa isang pinto sa left side namin ni Hollie.

Dear InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon