###- 5 -
Music
"Bessieeeee! Dalian mo! Malalate na tayo sa concert nila!" Sabi ni Hollie.
Magkakahawak-kamay kaming tumatakbo. Ewan ko ba kung bakit dapat maaga pa pupunta sa venue eh. 6pm pa kasi mag-uumpisa mamaya eh. Tapos mga 3pm pa lang kaya at papunta na kami doon.
"Dalian natin. Sigurado ako na mahabang-mahaba na naman ang pila nito.. Teka, dala mo ba ang tickets?" - Hollie
Kinapkap ko naman ang bulsa ng pants ko at mukhang nandito naman.
"Oo. Nandito."
"Mabuti. Tara bilisan pa natin."
Lakad-takbo kami papunta sa ARENA entrance. Tama nga si Hollie na mahaba nga ang pila. Pumila nga kami para makapasok kami.
Ang tagal-tagal na nga at nadagdagan pa ng siksikan ng mga tao or more likely sumisingit sila. Nakakainis nga. Tahimik lang ako nung una, pero nang tumatagal na maraming sumisiksik sa unahan namin ay nagsisimula na akong mairita. Hindi ko na kayang pigilan ang inis ko.
TARAY MODE ACTIVATED.
"Hoy mga babae! Ano ba? Bakit kayo sumisiksik?! Pumila nga kayo ng maayos! Ang daya-daya niyo naman!" Sigaw ko sa mga babaeng sumisiksik. Akala nila ha! Hindi ko 'to palalampasin.
Aba! Tumingin sila ng masama sa akin. Aba lang ha! Ano sila sinuswerte? Una kaming nakapila dito at sisiksik lang sila?! Aba hindi ito pwede!
"Anong tinitingin-tingin niyo?! Makaasta kayo parang kayo ang nauna dito sa pila ha! Sumiksik nga lang kayo at kayo pa ang magagalit? Wow lang ha! Hindi man lang kayo nahiya!" Sigaw ko ulit.
Tinignan lang ako ni Hollie. Alam ko namang ganoon din ang iniisip niya o gagawin niya, pero nahihiya lang itong gawin. Miss Goody Two Shoes kasi siya. Sabi ko naman sa inyo na TOTAL OPPOSITE talaga kami ni Hollie. Ewan ko nga kung bakit kami naging BESTFRIENDS..
"Bessie, hindi ko alam na kaya mo 'yung gawin. Pero tinitigan ka pa rin nila ng masama." Sabay turo sa mga babaeng sinigawan ko kanina.
"Siguro kung nakamamatay lang ang titig kanina pa ako nilalamayan. Good thing na hindi, right? Pabayaan mo lang sila diyan. Sila naman ang sumiksik kaya kasalanan nila 'yan."
"Okay Bessie. I'll back you up." Nagsmile siya sa akin. Nagsmile rin ako sa kanya.
Pumila nga kami at siguro after 1 hour nakapasok kami sa arena. Imagine! 1 hour talaga! Kasalanan talaga ng mga sumiksik. Tsk. Natagalan tuloy.
Hinanap naman namin ni Hollie kung saan ang upuan namin. Tumingin-tingin kami kung nasaan ang SVIP. Madali lang rin namin nahanap kasi sa FIRST ROW kami uupo. Makabigay ng ticket si Ryne parang wala ng bukas.
And speaking of the devil..
And the devil shall appear..
Nag-vibrate ang phone ko. Binasa ko naman ang text na nakasaad.
From: Ryne
Punta ka dito sa backstage. May bibigay ako sa'yo.
Ano naman kaya ang bibigay nito? Sana hindi ako makita ng mga fans nila kundi patay talaga ako. Magkakaroon ako ng mga death threats? NOOOOO FREAKKING WAYYY!!!
Sinabihan ko si Hollie na may kukunin lang ako sa backstage. Napakunot-noo nga lang ito. Pinakita ko naman sa agad kanya ang text ni Ryne at tumango lang rin ito.
Tumayo na ako papunta sa backstage. Pero ang problema ay may bouncer.
Tatawagan ko na sana si Ryne pero bigla nalang nagvibrate ulit ang phone ko.

BINABASA MO ANG
Dear Inspiration
JugendliteraturInspiration Series #1 Irra Laure Espando story. Her life changed when she met the FOUR handsome men of a well-known boy band. She is not captivated by their charms, looks, and body. But instead she is a Certified HATER of that band. But an unexpecte...