Sa side po pala ang dress. Sketch. :)
###
- 7 -
Makeover
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang may kakaiba sa akin? Wala naman akong pakialam sa kanya diba? Hindi ko naman siya kaano-ano..
"Bessie? Ano nga ulit ang iinumin mo? Tinatanong kita." Pagtatawag pansin sa akin ni Hollie.
"Ha? Eh? Piña Colada na lang.. Hindi rin naman akong pwedeng uminom ng alcoholic drinks eh." Sagot ko naman. Sinabi naman agad ni Hollie ang order ko sa waiter.
"Ano ba kasi yang iniisip mo? Sinabi ko lang naman kanina sa iyo na nakasakay lang ako sa sasakyan ni Coen at natigilan ka na. Don't tell me...?
"Don't tell me ano?" Tanong ko sa kanya.
"Na baka naman attracted ka na sa kanya? Kay Pierre Coen Baine?" Sabi ni Hollie habang tinitignan ako sa aking mga mata.
"What the? At saan mo namang lupalop na lugar mo naman nakuha ang ganyang ideya? That is a Big NO. NO. NO."
Tinawanan niya lang ako. Buti nga na nasa separate table kami kasi ang ingay ingay namin dito. Habang ang mga lalaki na members naman ng band ay nandoon sa kabilang table. Hindi naman siguro nila kami naririnig ano?
Tinawanan niya lang ako."Sabi mo eh. I'm just kidding. Huwag ka namang high blood Bessie. 'Yan siguro ang dahilan kung bakit wala kang boyfriend."
Tinawanan ko naman siya. "At bakit diyan na naman humantong ang usapan natin? Sa love life ko? Makaasar ka ha."
"Wala lang. Ako naman ang tatanong ha. Ano ang nangyayari sa inyo ni Ryder Neon Uptone? I mean what is the real score between you two?" Tanong ni Hollie with her curious eyes na parang reporter lang..
"Para kang reporter. Sinong Ryder Neon Uptone? Wala naman akong kilala na ganyan ang pangalan?"
"Si Ryne, Bessie." At humagalpak ng tawa.
"Ah. So siya lang pala. Pinahaba mo pa talaga ang pangalan niya? Dakilang stalker ka rin ano. Alam mo kasi ang mga pangalan nila. Talagang addict ka talaga sa banda nila. Pssh."
"Oo, Bessie SUPER! So ano na? Stop changing the topic.."
"Wala naman. We're just friends. Nothing more, nothing less."
"Grabe pang artistang sagot, Bessie." Nakangiting sabi nito.
"Ano ba ang expectation mo sa akin? Isa akong man hater, in short AMASONA. Mailap sa mga lalaki. May plano nga akong mag-mongha eh."
"What a joke Bessie! Hahaha. Magmongha talaga? Isa kang Espando. Hindi ka papayagan ng parents mo.. At tsaka, marami pa namang lalaki diyan Bessie.. Dadating rin siya. In the right time."
Well, siguro tama nga si Hollie. Hindi naman ako desperada magka-boyfriend.
Isa lang akong simpleng babae. Pero sabi nila tinatago ko daw ang sarili kong ganda behind my eyeglasses. Well hindi ko naman masisisi ang sarili ko na maaga pang nasira ang vision ko.. Sobrang pagkakahumaling sa mga libro eh..
"What if kung mag-makeover ka na Bessie? It's your time to shine!"
"I'll try."
"Tamang-tama at malapit na ang party na sinasabi ni Mommy mo. Dapat new look ka ha."
Tumango lang ako pero sa totoo kinakabahan ako. Siguro dahil magiging bago ang itsura ko.
Tinignan ko naman ang mesa nila Ryne, Coen at mukhang busy sila sa kaiinom ng wine. Mukhang nagpapakalasing sila. Tss. Boys are always boys.
BINABASA MO ANG
Dear Inspiration
Подростковая литератураInspiration Series #1 Irra Laure Espando story. Her life changed when she met the FOUR handsome men of a well-known boy band. She is not captivated by their charms, looks, and body. But instead she is a Certified HATER of that band. But an unexpecte...