###
- 9 -
Five Years
Ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa akin. Pero pinapahirapan ko pa siya muna bago ko siya sagutin.. Akala niya ha!
Basta ang alam ko nagulat na lang talaga ako nang bigla niya na lang sinabi 'yun at sa party pa talaga ni Mommy na nangyari pa noong ilang buwan na ang nakalilipas..
Kasalukuyang nandito ako sa bahay namin, nag-iisip at nakakulong sa kwarto ko. Nakahiga ako dito sa kama ko.
Nang bigla na lamang nag-vibrate ang phone ko.
Tinignan ko naman kung sino ang nagtext..
Si Ryne lang pala. Ang nakapaloob sa text niya ay magkita daw kami at may pag-uusapan daw kasi kami. Ewan ko ba kung ano ang pag-uusapan namin..
Dahil wala naman akong gagawin ay pumayag nalang ako.
To: Ryne
Okay. Pupunta ako..
Message Sent.
Ayon sa text nito ay sa Café daw kami magkikita..Kaya nagsimula na akong mag-ayos.
Hanggang sa natapos na din ako sa pagbibihis. Isang black long sleeve t-shirt at nakacolored pants din ako na kulay puti.. Nagflat shoes lang din ako. Dala-dala ko din ang favorite sling bag ko.
Naglagay lang ako ng powder at lip gloss and I'm ready to go..
Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Cafe kung saan kami magkikita ni Ryne. Hindi pa kasi ako pwedeng mag-drive. Wala pang pahintulot nina Mommy at Daddy.
Nakarating na ako sa Café. Pagkatapos ay pumasok na din ako sa Café.
Sinimulan ko ng hanapin si Ryne. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko rin si Ryne. Sa pinakadulo ito nakaupo. Pinuntahan ko na ito hanggang sa nakarating na ako sa kinauupuan nito.
Tumayo naman ito at nginitian ako.
"Hello, Irra. Maupo ka muna. Thank you for coming." Nginitian ko din siya.
"No problem, Ryne. Wala naman akong ginagawa sa bahay eh." Umupo na ako sa upuan.
"Umorder ka na muna. Para mapag-usapan na natin ang dapat nating pag-usapan." Inabot niya sa akin ang MENU. Kinuha ko naman ito agad.
"Okay. Thanks."
Pumili naman ako ng makakain at sinabi ang order ko sa waiter dito.
"Garden Salad and Iced Tea." Sabi ko sa waiter at sinabi na din ni Ryne ang order nito pagkatapos ko.
Pagkatapos kunin ang order namin ni Ryne ay umalis na ang waiter.
"So, anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.
"Tungkol sa inyo ni Coen." Diretso at makahulugang sabi nito.
"Anong tungkol sa amin?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.
"Sinabi sa akin nina Lennox na may sinabi siya sa'yo.."
Iniisip ko naman kung ano ang nangyari at kung anong posibleng sinabi ni Lennox sa kanya. At doon ko na napagtanto kung anong ibig sabihin ni Ryne.
"Ah, oo nga pala. Oo may sinabi nga siya sa akin. Pero hindi pa naman ako nagbigay ng sagot sa kanyang Like Confession."
"Like Confession? Kailan lang?"
"Noong ilang buwan na ang nakalilipas.. Bakit, Ryne?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"Am I too late?" Anong pinagsasabi nito? Weird.
BINABASA MO ANG
Dear Inspiration
Ficção AdolescenteInspiration Series #1 Irra Laure Espando story. Her life changed when she met the FOUR handsome men of a well-known boy band. She is not captivated by their charms, looks, and body. But instead she is a Certified HATER of that band. But an unexpecte...