- 4 -

56 3 0
                                    


###

- 4 -

Golden Ticket

Hay.. Ano ba 'tong iniisip ko? Back to my self please.

Naglelesson lang ang teacher namin dito. At ako naman bilang isang matalinong tao ay nagtitake down notes..

Hanggang sa nag-ring na rin ang bell na nagsisignal na tapos na rin ang class.

Woohoo! ╮(╯▽╰)╭

Inaayos ko na ang mga gamit ko kaya lang may tao na naman na kumukulit sa akin.

Guess who? Pssshhh!

"Hey." What the?!

"Anong kailangan mo sa akin?" Naiiritang sabi ko sa kanya.

"Kunwari wala akong pakialam. Kunwari nakalimutan na kita. Kunwari ayaw kitang kausap. Kunwari lang ha? Payag ka ba?" Makahulugang sabi nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong kunwari lang? Anong nangyayari sa'yo?" Naguguluhang tanong ko naman sa kanya. Pabigla-bigla naman kasi ito sa mga pinagsasabi nito.

"Wala. Pauwi ka na?"

"Oo eh. Bakit? Hahatid mo ba ako? Huwag na!" Nagmartsa na rin ako palabas ng room pero sunod parin nang sunod si Coen sa akin? Stalker lang? Asa naman ako?

"Ano ba? Ba't panay ang sunod mo sa akin? Anong bang problema mo? Bakit naging ganyan ka na?"

"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko nang hindi tayo magkatabi kanina ng upuan. Nagseselos ako kay Ryne. Sasabihan ko na talaga 'yung mokong na 'yun na layuan ka na. Alam mo na bang sobrang playboy yun?"

"Nagseselos? Wala ka namang dapat pagselosan ah? Anong pakialam mo? Wala namang akong gusto sa kahit sino sa inyo. Layuan mo na nga lang ako! Baka machismis na naman ako sa inyo.."

Nakita kong mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Ewan ko ba? Hindi ko naman kasi siya gusto eh.. Hater nga ako diba?

"Okay. Hindi na kita aabalahin pa. Mauna na ako sa'yo.." Lumakad na rin ito palayo sa akin at iniwan akong mag-isa dito sa hallway.. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman kong naaawa ako sa kanya.

Bahala na nga!

Paalis na rin sana ako sa hallway pero nakasalubong ko si Ryne..

"Irra, nakita mo si Coen? Nasaan na 'yun? May sasabihin daw ito sa akin eh." tanong ni Ryne sa akin.

"Umalis na 'yun." sabi ko.

"Ah ganoon ba.. Pero isishare ko lang sa'yo na si Coen ay isang lalaki na overprotective. He was always alone, always by himself and he lived in another world kung baga may pagka-loner na klase ng tao at may sariling mundo."

"Why are you telling me this? Wala naman akong sinabi na sabihin mo sa akin kung anong klaseng tao yun ah!"

"Wag ka namang defensive. Hindi ko naman sinabi na may gusto ka dun."

"Wala talaga
! Asa naman siya!" Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'yun.

"Okay. Sabi mo eh. Pero may ibibigay ako sa'yo.." May kinuha ito sa bulsa ng pants nito. Isang Golden ticket? "Punta ka ha. Bigay mo nga sa akin ang number mo. Para itetext mo nalang ako."

"Wait! Teka lang! Bakit mo ko binigyan nito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Diba friends na tayo? You're now my friend. Kaya iyan ang libre ko sa'yo. Concert ticket. Dapat pumunta ka ha!" Kinumbinsi niya ako hanggang sa napapayag na nga rin niya ako. Naibigay ko na rin ang number ko sa kanya. No choice eh.

"Pwedeng sumama si Hollie?" tanong ko.

"Sinong Hollie?" Nagtatakang tanong ni Ryne.

"Ang Bestfriend ko na sobra-sobra ang pagkakahumaling sa inyo. Hindi ako pupunta hangga't sa hindi ko siya kasama." Nakacrossed arms pa ako.

"Sige. Maka-blackmail ka.. Tss. Buti nalang may extra pa akong nadala. Ito pa ang isang ticket." Sabay bigay sa akin ng ticket na kinuha nito sa bulsa nito.

"Okay, thanks."

"Mauna na rin ako. Pumunta kayo ha. We'll be waiting." Umalis na rin ito sa wakas. Ako naman ay pupunta sa bahay ni Hollie para sabihin dito ang magandang balita..

###

"Bessie! I HEART YOU! Thank you very Much! Ang swerte ko talaga sa'yo." Sabay hug sa akin ni Bessie Hollie. Hindi na nga ako makahinga. Binigay ko kasi sa kanya ang ticket na binigay sa akin ni Ryne. 'Yun nga nagiging hysterical na naman ito. Tsk. Tsk.

"Wait. Hollie! Hindi na ako makahinga sa ginagawa mo. Bitawan mo muna ako!" Binitawan niya rin agad ako.

"Hihihi. Sorry Bessie! Naeexcite kasi ako. Kasi naman makapagbigay si Ryne ng ticket SVIP pa!" *__*

"Haisst. Hindi halata ha! Ikaw na lang kaya ang pumunta. Hindi ko kasi alam kung bakit naging ganito na ang buhay ko simula nang nakilala ko ang APAT na yun! Hmmmph!" Naiiritang kong sabi.

"Hayaan mo na, Bessie! Ang swerte mo na nga! At tsaka salamat pala kanina sa klase. Nakatabi ko rin sa wakas si Coen my loves! Kaya thank you talaga! Pero samahan mo ako baka hanapin ka dun ni Ryne."

"Ay oo nga pala. Sige na nga. Text mo nalang ako o kaya'y tawagan.."

"Okay, Bessie."

Umuwi na rin ako after naming mag-usap ni Hollie. 'Yun nga pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Daddy at Mommy na may inaayos sa bahay. Bagong bili na gamit na naman. May paper bags si Mommy na dala-dala at yun ay nakalagay sa sofa.

"Hi Daddy, Mommy! Ano po 'yang mga 'yan?" Sabay turo ko sa paper bags.

"Para 'yan sa saturday, sweetie." Sabi ni Mommy. Tinutukoy nito ang bagong designs nito sa mga projects niya sa fashion world.

"You're the first one to try them on, sweetie. I brought this for you. I guess na kasya ito sa'yo." Sabi nI mommy sabay bigay ng paper bags. Ginagawa talaga niya akong isang barbie doll. Ang hilig kasi ni mommy na magdress-up. Kulang na lang na maging model na rin ako sa pinanggagawa ni mommy..

"Mukhang mapupuno na talaga ang walk-in closet ko sa mga collections mo, mom." Nagsmile ako ng pilit. Kasi medyo hindi kasi ako maarte sa damit o sa sapatos man. Hindi rin ako mahilig sa high heels. I don't know why?

"But thank you for this stuffs mom! I appreciate it." I sincerely said to her. My mother smiled at me.

"Just don't forget that the party starts at 6 in the evening on Saturday, sweetie."

"Yes Mom. I'll put it in the reminder in my phone so quit reminding me." I sighed. Nagpaalam na rin ako kina mommy at daddy para magpahinga. Coz I'm tired. Humiga ako sa kama facing the ceiling. Nag-iisip ako nang malalim.

Inabot ko naman ang diary ko. Sinimulan ko na ring isulat ang mga nangyari sa akin kanina. Ang weird naman ng mga kinilos ni Coen. Ano bang pumasok sa ulo nito na sinabi niya 'yung mga kunwari kunwari na thingy na 'yun. Ano bang iniisip nito?

Tinignan ko naman ang ticket na binigay sa akin ni Ryne. Isa itong GOLDEN ticket siguro ito ay SVIP. Ang sa harap ka talaga na abot-kamay mo lang sila.

Tama nga si Hollie na ang swerte niya pero ako ay minamalas na naman. Paano ba naman kasi, HATER ako eh. Hindi kaya ako fan ng band nila at binigyan pa talaga ako ng ticket...

Pssshhh! Pinilit pa akong papuntahin nila Hollie at Ryne. Through blackmailing. Haisst.

Hindi ko nga alam kung ano ang mga kanta nila eh. Bahala na. Basta kasama ko lang si Hollie, okay na ako.. She's my bestfriend after all..

###

THANK YOU PO SA MGA NAGBABASA NG MGA STORIES KO! ^_^

SILENT READERS, THANK YOU also. :-)

= IrsBlueGreen =

Dear InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon