EPILOGUE

20 1 0
                                    

December 19, 2015 posted.

Sorry for the long wait. Pinahaba ko na ang update. Pampabawi. :)

Enjoy Coen-Irra's story epilogue!

Thank you for waiting.

###

DEAR INSPIRATION

EPILOGUE

Cold, snob at masungit na klase ng tao. Wala akong pakialam sa paligid ko at hindi rin ako pumapansin sa mga taong nagpapansin sa akin.

Unang kita ko palang sa kanya. Nang makita ko siya na sinasaktan ng obsessed fangirl..

I didn't expect to fall inlove that fast. Siya ang tipo ng babae na hindi mo akalain na magugustuhan ng isang lalaki. Isang amasona, hater, at suplada. Well, what can I say? Opposites do attract.

Nang araw na inagawan ako ni Ryne ng mauupuan. Katabi ko na sana siya eh. Chance ko na 'yun. Kinuha pa ni Ryne.

Nagseselos ako! Siya dapat ang seatmate ko. Nang dahil kay Ryne nasira ang plano kong makipaglapit sa kanya.

Isang araw nung pumunta kami sa mall para sa fansigning event at mini concert ay may nakita akong isang bagay na nagpapaalala sa akin.

Isa iyong diary na pwedeng gawing scrapbook.. 'Yun 'yun.

It reminds me of someone nerdy. And that's her.

"Bro? What are you looking at?" Tanong ni Lennox.

Wala ding magawa ang isang ito eh. Iniistorbo niya lang ako. Mabuti pa ang mokong na 'to may Jamie na. Tss.

Nakakaselos naman.

"Oo nga. Ano ba 'yan?" Singit naman ni Eero. Tinitigan naman ni Ryne ang tinitignan ko.

"Notebook? Para saan 'yan?" Tanong ni Ryne.

"Nothing."

"Oo nga naman, you have too many notebooks to write songs to.." Sabi ni Eero.

"Yep. Aanhin mo ba 'yan? May pagbibigyan ka 'no?" Sabi naman ni Lennox.

Sinamaan ko sila ng tingin dahil sa pangungulit nila sa akin hanggang sa napuno na ako sa kanilang tatlo.

"Kalalaki niyong tao pero ang tsitsismoso ninyo! Kahit kailan talaga. Pabayaan niyo nga ako!" Sigaw ko sa kanila. Ginagalit talaga nila ako.

Tumahimik naman silang tatlo. Ilang minuto na ang nakalipas at binasag ni Ryne ang katahimikan. Nandito pa rin kami sa tinatayuan namin hanggang ngayon.

"Care to tell us who you're giving it to?" Tanong ni Ryne at tinignan ako.

"Ayan kasi.." Nakangising sabi naman ni Lennox habang tinitignan din ako.

"Ayan tuloy." Tumitingin din si Eero sa akin at hinihintay ang sagot ko habang nakangisi..

"Tama na nga 'yang pag-ngisi niyo. Mga sira ulo!"

"Alam ko na kung kanino niya bibigay.." May pasuspense pang nalalaman si Lennox.

"Sino ba? Wala akong ideya.. Ryne, alam mo ba kung sino?" Tanong ni Eero at tinignan si Ryne.

"I think it's Irra.." Sagot ni Ryne.

"Sinong 'Irra'?" Nakakunot-noong tanong ni Eero.

Binatukan ito nina Lennox at Ryne samantalang ako ay nakamasid lang sa kanila.

Dahil sa notebook nagiging ganito na ako. Sinama ko pa silang tatlo.

"Aray! Aray! Masakit!" Reklamo ni Eero. Hininto na nina Lennox at Ryne ang pagbabatok dito.

Dear InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon