- 10 -

53 1 0
                                    

Last Chapter na 'to readers! Thank you for waiting and reading my stories.. ^_^

###

- 10 -

Birthday Party

Time passed by pretty fast. Hindi ko na namalayan na lumipas na pala ang limang taon ng parang iglap lamang.

Parang kailan lang yun nangyari. At ang last communication namin ay noon pa via phone.

Lumipas ang mga panahon na tanging siya lang sinisilbi kong inspirasyon. Ngayon masasabi ko na ang pagkagusto ko sa kanya ay hindi na isang infatuation o puppy love lang kundi isang totoong pagmamahal na talaga.

Kinakausap nga ako ni Mommy tungkol kay Coen pero ang tanging sagot ko lang sa kanya ay maayos naman kami ni Coen. Kahit na hindi kami nag-uusap nang matagal ng panahon.

Ngayon ay sobrang busy kasi ako sa mga school projects ko dahil ang kinuha kong kurso ay Fashion Designing. Sa Cassiopeia Princeton University pa rin ako nag-aaral.

I'm turning 18 years old this summer, April 8.. Kaya todo gawa na ako ng sketches para sa aking sariling mga designs na ipapasa sa Maestro namin sa Fashion Designing. Kundi ako makapasa ay malaking problema ito dahil posible akong mag-take ng sunmer classes. At hindi ko yun gusto.

Back to my debut, sinabihan nga ako nina Mommy at Daddy na maghahanda daw sila ng enggrandeng debut para sa akin. Inayawan ko ito kasi ang gusto ko lang naman ay simple lang sana. Pero pinilit nila ako na enggrande dapat dahil once in a lifetime lang naman ito and also that they want the best for their Unica Hija. So I have no choice but to agree with their request.

Tinatanong nga nila ako ng mga motifs na gusto ko katulad nalang kung anong kulay, anong klaseng bulaklak at kung anu ano pa.

Plano ko naman na ako ang magdidisenyo ng damit ko para sa birthday ko. May naisip na kasi akong disenyo. Kaya inumpisahan ko ng i-sketch ito. Ang kinalabasan ay maganda naman, I'm satisfied with my drawings.

Sinunod ko din naman kasi ang sinabing ideas na Mommy dahil isa din itong sikat na fashion designer. Like mother, like daughter kami.

Marami kaming pinlanuhan. Ang BLUE X-RAY ay sikat pa din. Sila yata ang kukuning banda ni Mommy para sa debut ko.

Siyempre alam kong magkikita na kami. Thinking about it, makes me wonder and scared and at the same time shy. I don't know. Siguro dahil matagal na kaming hindi nagkikita.

One time, nag-search ako sa Google ng tungkol sa banda nila. I'm not a stalker, alright? I'm just curious.

Well, ganoon pa din ang nga itsura nila. Mas naging matured lang ng konti, siyempre hindi na diyan magpapahuli na mas gumwapo at tumangkad sila. Kaya nga mas naging madami pa ang kanilang mga taga-hanga.

Moving on. Natapos ko na ang mga projects ko sa Fashion designing and thankfully, hindi ko na kailangang kumuha ng summer classes. Kaya ngayon ay sobrang busy kami sa paghahanda at pagpaplano para sa aking debut.

Ang location ng party ay sa isang resort. Maraming cabins dito na ipina-reserve nina Mommy at Daddy.. Malapit sa may pool area ang function hall kung saan gaganapin ang party para sa debut ko.

Nandito na kami, two days before my debut para daw maayos na ng mabuti ang mga gagawin sa party. Organized dapat, iyan ang sabi ni Mommy.

Busy sina Mommy at Daddy sa pag-oorganisa ng party hanggang sa dumating ang araw na birthday ko na nga.

Maaga pa akong ginising nina Mommy at Daddy.

"Happy Birthday, sweetie!" Pambungad nila sa akin pagkamulat ng mga mata ko.

Dear InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon