Seducing 9

1.3K 35 5
                                    

Chapter 9

PAANO NA?

Sierra's POV

"Ted, nakita niyo ba si Josh? Tanong ko sa mga teammate ni Josh sa basketball. Katatapos lang ng practice nila kaya sigurado akong hindi pa siya nakakaalis, baka magkasalisi kami nun.

"Ayieee, miss mo na agad? Magkasama lang kayo kanina ah." Isa pa tong si Ted, ang lakas mang-asar. Ipag-umpog ko silang dalawa ni Timi eh.

"Wag nga kayo."

"Ayieee, namumula siya oh." tudyo pa ulit nila. Napatakip na lang ako ng aking mukha.

"Che! Asan ba si Josh?"

"Nasa locker, Miss Beautiful." sabi ng isa. Agad akong tumakbo papuntang locker. Hindi na talaga ako makapaghintay ang sasabihin ko sa kanya.

I'm so excited to tell him kahit na walang kasiguraduhan sa reaksyon niya. Still I want him to know.

"Salamat!" sigaw ko.

Nang makarating ako sa locker room ay wala ng masyadong tao. Diretso akong pumasok not minding the thought that it is a boy's area.

"Josh? Nandito ka ba?" ilang ulit ko siyang tinawag ngunit walang tugon. May tao kaya dito? Baka gini- good time na naman ako ng mga teammates niya, lagot talaga sila sa akin.

Sinuyod ko ang buong locker bigla akong natigilan nang may narinig akong mahinang daing at kaluskos mula sa isang shower cubicle hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nakuha niyon ang atensyon ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Shit! Baka may krimen na nangyayari tapos ako ang magiging star witness, tapos matu-trauma ako at ipadala sa mental. My gosh!

Hindi!

Umiling-iling ako. Hindi pwede 'yun no. Marami pa akong plano para sa amin ni Josh. Ikakasal pa kami, magkakaanak, tapos sabay na tatanda. Kaya no no talaga!

Kahit nanginginig ang aking binti ay lumapit pa rin ako roon. Nakaawang ang pinto kaya sigurado akong may tao sa loob.

"Josh? Tapos ka na ba? Uwi na tayo." pabulong kong turan. Bigla na namang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Lumapit ako sa pinto at sumilip doon. Napaawang ang bibig ko sa bumungad sa aking mga mata.

"Aaaaahhhh!!! Oh my God! Jesus!!!" natumba ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat.

Shit! Krimen nga!

Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang aking mga mata.

"S-Sierra? A-Anong ginagawa mo dito?" Kabado niyang tanong. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"J-Josh anong ibig sabihin nito?" hindi pa rin ako nakabawi sa pagkakagulat.

Nagmamadali siya kaninang itaas ang kanyang salawal nang makita ko sila kanina. Nakaharap sa pagkalalaki niya ang isa niyang ka teammate and God knows what their doing.

"Excuse me." Paalam ng lalaki habang tinatakpan ang kaniyang mukha.

Tumayo ako at diretsong tiningnan ang kanyang mga mata.

The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon