Chapter 13
Drunk
Sierra's POV
KINABUKASAN pagkatapos ng agahan ay nagpaalam sa akin si Josh na pupunta sa reunion nilang magkakaibigan noon sa College.
“Anong oras ka uuwi?” wow, I really sounded like a concern wife.
“H’wag mo na akong hintayin mamaya. I’ll surely be late for dinner.” He smile at me while fixing his shirt.
“Ok, huwag ka masyadong uminom magmamaneho ka pa pauwi. Saan pa la kayo magkikita ng mga kaibigan mo?”
“D’yan lang sa malapit na game zone. Magba-basketball mo na kami bago pumunta sa Bistro malapit lang din sa game zone. ” Binigyan ko siya ng tango bago sinamahan sa labas ng bahay. I feel like a wife saying my goodbye to my husband who is off to work. Meron din kaya akong goodbye kiss? Aaaahh!!! This is insane!
Nang nasa harap na kami ng kotse niya ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
“Have fun, Josh.” He give me a nod.
“Thanks, Rara. I think I’ll be home before midnight, I guess?”
“Take your time and don’t forget to have fun.”
“Surely. Alis nako.” I nodded and give him a wave. Pumasok siya sa kanyang sasakyan at agad iyong pinaandar. Ilang minuto ang nakalipas ay tinatanaw ko na lamang ang sasakyan niyang papalayo.
So much for expecting for a goodbye kiss eh?
What am I thinking hindi pa nga pa la kami kasal tsaka bakit ko ba kasi palaging nakakalimutan ang sitwasyon ko? Teka, hindi ko natanong kung sino-sino ang mga kasama niya ah? Aish! Iba kasi ang iniisim.
Napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos pagalitan ang aking sarili. Hayyy, ano kayang pwede gawin pampalipas oras? I’ll sure have a long day ahead.
Naubos ang buong oras ko sa umaga sa pagbabasa ng libro. Gusto ko rin sanang lumabas pero busy sila Tess at Jen sa mga trabaho nila kaya wala rin akong kasama. I decided to just stay indoor and read a book. Nangangalahati na ako sa librong aking binabasa ng mapansin ko ang oras. Tanghali na pa la. Dali- dali akong nagluto ng pananghalian.
Natapos ang buong maghapon na nakatutok lang ako sa aking binabasa na libro. Hindi ko namalayang madalim na pala sa labas. Nilapag ko ang librong hawak at kinuha ang aking telepono. I look for for Josh’s number in my contacts. Ilang minuto ko iyong tinitigan, nag-iipon ng lakas para pindutin ang call button. I shifted my gaze to the wall clock. It’s just 6: 30 in the evening.
“Ang aga pa. Siguradong kakarating lang nila sa Bistro ngayon.” Sabi ko sa aking sarili. Napabuntong hininga ako at nilapag na lang ang telepono.
Pagkatapos kong mag-dinner ay muli kong tiningnan ang oras. It’s almost twelve. “Sabi niya before midnight nakauwi na siya?”
Dress in my night gown bumaba ako sa sala para tingnan kung nakauwi na ba si Josh pero ni anino niya ay wala. Nagsimula na akong kabahan baka kung ano ng nangyari sa kanya.
I started pacing back and fort ng lumipas ang ilang minuto na hindi pa rin siya nakakauwi. And when the clock strikes twelve ay napagpasyahan kong sunduin na siya baka hindi na niya kayang mag-drive. Sana nga lang ‘yun ang dahilan.
Dali-dali akong nagbihis ng comportableng damit at sumakay sa nakaabang na taxi sa labas ng bahay. I didn’t waste more time and directed the driver to the Bistro. Nang makarating ako doon ay agad akong nagbayad at diretsong pumasok. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. May lumapit sa aking waiter.
BINABASA MO ANG
The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETED
Romance"Every story has a twist and this is the twist of our own story." After realising that she is in love with his best friend, Sierra came out with a plan to seduce him and prove to her friends that he's not a gay. But their story doesn't end in him b...