Last Chapter
All that matters
Sierra's POV
BUONG gabi akong hindi nakatulog dahil sa mga pinagtapat ni Josh. Somehow I blame myself for the hurt I give him and made for myself. Kaya pala ako nasasaktan kasi ako rin naman ang dahilan.
How ironic.
Kagabi ko lang napagtagpi-tagpi ang mga bagay-bagay na nagpapalito sa akin. Ngayon ko lang naintindihan ang sinabi niya ng minsan siyang malasing.
"Rara, bakit mo 'to ginagawa? Hindi ka ba natatakot? Bakit ang manhid-manhid mo?"
Ang manhid ko nga Josh. Ngayon ko lang na-realize na nakakabulag pa la ang pagiging manhid.
Hindi ko magawang tingnan si Josh sa mata habang magkaharap kaming kumakain. Anong karapatan ko para pagdamutan siya ng kapatawaran kong ako mismo ang kailangan ng kapatawaran.
Pasakay na kami sa kotse ng biglang magsalita si Josh. Sinara niya muli ang pinto ng shotgun seat na aking binuksan.
"Rara, are you still mad? Please talk to me." Napapikit ako. Please stop doing that Josh. Mas lalo akong nakokonsensya.
Pero nasaktan ka rin niya. Bulong ng isang parte ng aking utak. Tumahimik ka! Saway ko sa aking sarili.
"I'm not mad, Josh. Wala lang talaga ako sa mood makipag-usap. I'm still sorting things up."
Tanging tango na lamang ang kanyang nagawa ng makitang determinado akong hindi magsalita.
Tahimik ang naging byahe namin papuntang trabaho. Nang makarating kami at dumeritso kaagad ako sa aking opisina. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na ako sa aking pinto kung saan ako nakasandal ngayon.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Kahit ako ay nalilito na sa kinikilos ko. Why am I avoiding him? It's not like it's all my fault.
Umupo ako sa aking lamesa at sinimulan nang trabahuin ang tambak-tambak na papeles na nakapatong sa aking lamesa.
Dahil sa pagiging preoccupied ay hindi ko namalayan ang oras. Natigilan ako sa ginagawa ng may biglang kumatok sa aking pinto.
"Good afternoon, ma'am! May nagpapabigay po ng bulaklak."
"Bulaklak? Sigurado ka bang sa akin 'yan, Tere? Baka sa ibang empleyado 'yan."
"Ayy, hindi po, ma'am. Sa inyo po talaga ito. Kung gusto niyo pong malaman kung sino ang nagpadala ay basahin niyo na lang po itong card." Nilapag niya ang bouquet of roses sa aking mesa. Agad inatake ng bango ng rosas ang aking ilong.
"Salamat, Tere."
"Walang ano man po, ma'am." Saad niya bago lumabas sa aking opisina. Napatitig ako sa mga rosas. Kinuha ko and card na naka-ipit sa gitna at binuksan. Biglang nagwala ang aking puso ng mabasa kung kanino galing and mga rosas.
Kay Josh.
What a nice day today isn't it?
Let's eat lunch, together, Rara. You can't say no may alas akong hindi mo maaayawan.
I'll see you in a while. I love you.
~Josh
Did I read it right? Did he just indirectly say I love you to me?
BINABASA MO ANG
The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETED
Romance"Every story has a twist and this is the twist of our own story." After realising that she is in love with his best friend, Sierra came out with a plan to seduce him and prove to her friends that he's not a gay. But their story doesn't end in him b...