Chapter 10
Whatever it takes
Sierra's POV
It's my last year in college and ganun din kay Josh. Graduating na kami at sa hinaba ng pagkakaibigan namin ay ngayon ko pa talaga nalaman na keringking din pala siya katulad ko. Buhay nga naman. Hay!
Isang buwan na lang ay graduate na kami. Isang buwan na lang bago namin harapin ang mga magulang namin. At sa hindi malamang dahilan habang tumatakbo ang oras ay natanggap ko naman kung ano talaga si Josh katunayan nga mas naging close kami sa isa't isa at naging partners in crime.
Natigil sa pagliliwaliw ng utak ko ng biglang may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Si Josh. He give me a wide smile that makes my heart flip. Isa lang ang masasabi ko. Kahit tanggap ko na ay mahal ko pa rin siya. Not as a bestfriend but as a man. Huhu, nakakaiyak talaga.
"Rara ang init, bili tayo ng ice cream." saad niya sabay buklat ng pamaypay niya na kulay pink. Kung titingnan mo siya ay lalaki talaga. The way he talks, dress pero hindi ko talaga kinaya ang pink niyang pamaypay. Gosh!
"Tara, libre mo ah?" Agad akong tumayo.
"Syempre." agad niyang tugon. Habang papuntang canteen ay hindi ko mapigilang punain ang kulay pink niyang pamaypay."Bakit pink, Josh? Masyado kang mapaghahalataan niyan eh. Haha." biro ko. Napasimangot naman siya. "Akala ko ba magkakampi tayo, Rara?"
"Hala? May sinabi ba ako?"
"Sabi mo nung nakaraan. Rara namin eh! Hindi kita ililibre ng ice cream!"
"Nako nanakot pa. Tumigil ka nga sa kakangawa mo d'yan! Para kang bata!" mas lalo siyang napasimangot. Bigla ko namang naalala ang araw na 'yun. Kung gaano siya kasaya na tanggap ko kung ano siya at walang magbabago sa turingan naming dalawa.
Flashback
BASANG-BASA na ng luha ni Josh ang balikat ko. Pilit ko siyang nilalayo pero hinihigpitan lang niya lalo ang yakap kapag tinutulak ko siya. His afraid that if he lose his embrace I might escape and run away from him.
"Josh, don't worry I won't run. Dito lang ako sa tabi mo. Alam kong mahirap at tanggap naman kita. Stop crying, kakampi mo ako. Kahit masakit tatanggapin ko kasi bago kita minahal naging kaibigan muna kita. At ang magkaibigan hindi nag-iiwanan."
Natigil ang paghikbi niya. "Is that a promise, Rara?" tumango ako. But there's one thing that I can't promise you. And that is I will never stop loving you. "Promise, Josh." pagkasabi ko nun ay agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha. He smile brightly at me.
"Thank you, Rara! Salamat sa pagtanggap sa akin. Sobrang saya ko, finally may makakaintindi na sa akin sa wakas." niyakap niya ulit ako ng mahigpit this time the sobs are gone and are now replace with a wide smile.
BINABASA MO ANG
The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETED
Romance"Every story has a twist and this is the twist of our own story." After realising that she is in love with his best friend, Sierra came out with a plan to seduce him and prove to her friends that he's not a gay. But their story doesn't end in him b...