Chapter 8
Lipstick
Sierra's POV
PAGKATAPOS naming mag-shopping ni Josh kahapon ay balik realidad na naman sa iskwelahan. Sa totoo lang nakakapagod na talagang pumasok. Paulit- ulit na lang 'yong mga pinag-aaralan tsaka nakakasawa na ang mga mukha ng mga teachers. Haays, buti na lang may inspiration ako kahit papano.
Speaking of inspiration, asan na ba si Josh? Sabi niya sabay kaming magla-lunch ngayon, tsk! Eechosin ko pa man din sana siya dahil sa napakalas niyang sigaw sa sinehan kahapon. Hahaha nakakatawa talaga ang itsura niya na parang mahihimatay na siya sa takot kahapon.
"Good morning, beautiful."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Ang aga-aga sisirain na naman niya ang araw ko. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito, Ralph? Please lang kung mambu-bwesit ka 'wag ngayon." tinalikuran ko siya at agad naglakad papuntang cafeteria.
"Ang sungit mo ngayon, ah?" sinabayan niya ako sa paglalakad. Kung hindi lang talaga ako good vibes ngayon ay sisipain ko talaga 'yang nag-uumpugan niyang bola sa baba!
"Care to join me for lunch, Sierra? My treat." He give me his killer smile pero wapakels ang lola niyo.
"I-treat mo mukha mo! Babush!"
Dali-dali akong tumakbo palayo sa kanya. "Ang badtrip talaga ng lalaking 'yun, feeling close!" irita kung sambit sabay ayos ng pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat.
Ka-teammate siya ni Josh at simula nga noong nag-ayos ako ay palagi na siyang nagpapa-pansin sa'kin.
"Now where's Josh? Hmmm..." nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar ngunit hindi ko siya makita. Siguradong nasa gym pa siya ngayon at nagpa-practice ng basketball.
Napadidisyunan ko na lang na puntahan siya sa practice nila para sabay na kaming mag-lunch. Nang dumating ako sa gym ay agad bumungad sa akin ang ingay ng bola at tunog ng mga rubber shoes habang tumatakbo-takbo ang mga players sa gym.
Agad kung nilapitan si Timi ng mapansin kong wala si Josh. "O- mattend ba si Josh ng practice, Timi." nagulat pa si Timi sa bigla kung pagsulpot.
"Ay! Kabute!!!" sigaw niya. Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Iba talaga kapag may lablayp eh, ayieee miss agad ang isa't isa." pang-aasar niya.
"I'm serious, Timi. Nasaan si Josh?" He patted my head at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Init ng ulo natin ah?"
"Umayos ka Timi kung ayaw mong mabalian ng boto!"
"Chill, nasa shower room si lover boy. Hintayin mo na lang dun." sabay nguso niya sa bleachers malapit sa shower room. "Siya lang ba mag-isa dun?"
"Yata, halos nananghalian na 'yong iba." Tinanguan ko na lang siya sabay talikod.
Uupo na sana ako sa bleachers pero natigil ako ng may biglang pumasok sa isip ko. "Mag-isa yata? Hehe." napatingin ako sa grupo nila Timi na inaayos na ang kanilang gamit para mananghalian.
*Evil grin* Let me see your sparkling abs, Josh. He he.
Nang makaalis na sila Timi ay pumasok ako sa shower room. Napa- tip toe ako para walang ingay na magawa ang sapatos. Lalong lumaki ang ngiti ko nang marinig ang tunog ng tubig mula sa shower, siguradong naliligo pa siya ngayon. Huhu my brain is so clouded.
Sisilip na sana ako sa pinto pero natigil ako ng makitang ibang lalaki ang lumabas sa shower. Teka, sabi ni Timi si Josh lang ang mag-isa dito? Naisahan yata ako ng lokong 'yun ah!
Nang makapagbihis at makalabas ang lalaki ay agad akong nagtungo sa cubicle na nilabasan niya. The shower is still on. Naiwan ba niyang nakabukas lang 'to? O may tao sa loob? Ang balahora talaga ng mga lalaki tsk! Napailing na lang ako pero bigla akong kinabahan sa tanong ko. Sa walang pag-aalinlangan ay agad kung binuksan ang pinto ng cubicle.
"Aaaaaaaahhh!!! Oh my gad!" binalot ng malakas kung sigaw ang buong shower room.
"S-Sierra? Anong ginagawa mo dito." gulat na tanong ni Josh.
Agad naman akong napatakip ng mukha ng makita kong naka-boxers lang siya. "I'm sorry, ang tagal mo kasi!" kinakabahan kong turan pero nagawa ko pang silipin siya sa pagitan ng aking mga daliri. Shems, those sparkling abs.
"Sige, lalabas na ako! Dalian mo!" agad naman akong lumabas kahit gusto ko pang rape-pin ang abs niya ng mga mata ko. Pero bago pa ako makatalikod ay nakita ko ang mamumutla ng mukha niya. "Grabe, hindi ko naman siya ni- rape ah? Kung makapamutla naman parang nakakita ng multo." bulong ko sa aking sarili habang palabas.
Ilang minuto lang ay lumabas na si Josh sa shower room at syempre looking fresh kasi bagong guli (ligo in my dialect).
Napalingon siya para hanapin ako. Nagtago naman ako sa likod niya para gulatin siya. "Bulaga!!! Hahaha."
Napahawak ako sa kamay ko dahil sa reaksyon niya. Namutla na naman kasi siya, ha ha ang oa lang.
"Grabe ka kung mamutla, pre. Nakakita lang ng multo? Ha ha!" biro ko.
"Ikaw ang namumutla! Sinong nagsabing namumutla ako!" depensa niya. Natawa na lang ako. Halatang guilty eh. May bago na naman akong ipang-aasar sa kaniya.
"Tigilan mo nga ako, Rara. Ikaw ang namumutla, asan ba 'yong binili ko sa 'yong lipstick kahapon?" napatigil naman ako sa pagtawa ng hawakan niya ang labi ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa lapit namin. Napaiwas ako ng tingin sa dahil sa kaba.
"N-Nasa locker ko.'' nauutal kong turan. Sinimangutan naman niya ako. "Napakamahal ng lipstick na 'yun tapos ang locker mo lang ang makikinabang. Gamitin mo nga 'yun. You look beautiful in cherry red lipstick." pag-iiba niya sa usapan.
Napatulala naman ako sa sinabi niya dahil sa kilig. Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya.
You look beautiful in cherry red lipstick
You look beautiful in cherry red lipstick
You look beautiful in cherry red lipstick
Nakalimutan ko na lang bigla na inaasar ko pala siya dahil sa kakaibang pakiramdaman na nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya.
Shit! Bakit ganito ang epekto mo sa'kin, Josh?
----
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETED
Romance"Every story has a twist and this is the twist of our own story." After realising that she is in love with his best friend, Sierra came out with a plan to seduce him and prove to her friends that he's not a gay. But their story doesn't end in him b...