Seducing 18

1.2K 27 1
                                    

Chapter 18

Agreement

Sierra's POV

THE NIGHT ended smoothly. Bago kami umuwi ay ibinalita sa amin nila mom na pwede na kaming magsimulang magtrabaho sa companya.

"Goodmorning, ma'am, sir." Bati sa amin ng mga empleyado na aming nakakasalubong. Nakaka- good vibes naman ang mga tao rito lalo na 'tong katabi ko. You won't believe na nakahawak siya sa bewang ko habang papunta sa elevator.

Nang makapasok kami sa opisina niya ay natulala ako sa ganda niyon. Sa likod ng table niya ay overlooking ang buong syudad. Sa tabi naman ng table niya na may nakalagay na CEO ay ang akin. The table is small pero mukhang komportable. I won't be staying here in his office siguro nilagyan lang nila incase gusto kong dito gawin ang aking trabaho.

I'm an Area Manager kaya nasa baba ang opisina ko. I prefer that position because I think I'm not suitable enough for higher one.

"Josh, bababa na ako. Hindi na ako magtatagal." Paalam ko at diretsong nagtungo sa pinto. Pero bago ko pa mahawakan ang knob ay tinawag ako ni Josh.

"Rara, sandali lang. I have something to say." Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. "Ano 'yun, Josh?" itinuro niya ang sofa. Naupo ako roon. Nabalot ng katahimikan ang paligid bago siya nagsalita.

"Rara, I'm sorry sa sinabi ko sa'yo kagabi. I know I hurt you." Simula niya.

"Don't think about it , Josh. I understand. Is that what you want to say?" umiling siya at diretso akong tiningnan sa mga mata. Nagwala ang puso ko dahil sa tingin niya na iyon.

"Napag-isip isip ko na pwede rin naman nating totohanin na lang ang kasal." Nagulat ako sa sinabi niya. My heart leap in happiness and joy. Ibig bang sabihin nito-

"But we need an agreement." Natigil ako sa sinabi niya.

"Agreement? For what, Josh?" he shifted in his sit while wetting his lips. Naguluhan ako sa gusto niyang mangyari.

"Napag-isip isip kong magandang ideya ang pakasalan ka para hindi malaman ni Dad ang sikreto ko at para na rin sa companya." Natigilan ako. Nangingilid ang luha sa aking mga mata. His words hit my heart fatally. Tumikhim ako para pigilan ang pagtulo ng aking luha. So hindi lang pala kagabi nagtatapos ang lahat ng sakit. May pahabol pa pala.

"A-And the a-agreement?" utal kong turan dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.

"The agreement contains legal papers stating that we can have our own affairs inside our marriage." Walang kurap niyang sabi. Hanggang kailan ko ba kayang magtiis. I feel so desperate kung papayag ako. But I want him in my life. Ang selfish man ng hiling niya pero bakit sumasang-ayon ang puso ko?

Ang desperada ko.

"Pag-iisipan ko, Josh. Give me enough time to think." Saad ko. Tumango siya.

"It's already in your table. I will wait for your decision." Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumayo ako at walang lingon-lingong lumabas. Bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa aking dibdib habang humahagulhol ng iyak. Handa na pala desisyon ko na lang ang kulang. Damn you, Josh!!

Nakayuko akong pumasok sa elevator habang pinapahid ang mga luha kong hindi mapigil sa katutulo. Nang tumunog ang elevator ay nakayuko at nagmamadali akong lumabas. Dahil sa pagmamadali ay may nabangga akong empleyado na may dala-dalang kahon. Natapon ang laman ng kahon na kinagulat ko.

"Ma'am, pasensya na po." Paumanhin ng lalaki.

"Ayos lang, ako ang hindi tumitingin sa aking dinadaanan. Tulungan na kita." Umupo ako at nagsimulang pulutin ang mga nahulog.

"Ma'am, ayos lang po ba talaga kayo? May masakit po ba sa inyo? Bakit kayo umiiyak? Pasensya na po talaga ." kinakabahan niyang turan.

"Ayos lang ako wag kang mag alala. Ako pa nga itong may kasalanan eh." Nilagay ko sa box ang mga napulot ko sabay tayo. He lifted the box and face me.

"Eh bakit po kayo umiiyak." Napairap ako sa kakulitan niya. Ang sarap ipalapa sa piranha ang lalaking 'to eh.

"Wag kang chismoso. Hindi ikaw ang dahilan kaya ako umiiyak. Ang feeling mo naman." Biro ko. Napasinghap siya sa sinabi ko. "Ma'am, natangal po kayo sa trabaho?" gulat niyang tanong. Napa-irap ulit ako sabay tawa.

"Gago! Baka ikaw ang masisante ang chismoso mo! Ihatid mon a nga 'yan." Napanguso siya. In fairness cute.

"Sige ma'am. Ito po oh panyo. Hindi po dapat umiiyak ang mga babaeng maganda katulad niyo." Nilagay niya sa aking kamay ang panyo bago umalis. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang lakas mambola. Sinundan ko siya ng tingin at tinitigan ang panyo sa aking kamay.

I forgot to ask his name.

Napailing ako. Maybe next time.

Nang makapasok ako sa aking opisina ay bumungad agad sa akin ang folder sa ibabaw ng aking mesa. Lumapit ako doon at naupo. Hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ni Josh. Minsan hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang intindihin. He has a lot of secrets at natatakot akong dahil sa mga iyon ay napapangunahan siya ng takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Minsan para siyang ibang tao umakto minsan naman ganito, minsan naman ganyan. God! I would trade anything just to know what his thinking.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag sa mesa at hinanap ang pangalan nina Tess at Jen. I really need their advices right now.

I make a conference call to talk to them both.

"Oh my God, Sierra. Long time no talk." Agad na bungad sa akin ng dalawa.

"Yeah, busy ba kayo? Baka nakakaistorbo ako sabihin niyo lang."

"Nakakaistorbo ka Sierra, Joke lang." si Jen. Nakahinga ako ng maluwag na biro lang pala iyon.

"So what's up?" si Tess.

"I need your advices, guys. Free ba kayo tomorrow? Let's meet."

"Free ako ikaw, Jen." Tanong ni Tess.

"I'm free. Always free. Oh my God! Bonding!!!" sabay kaming natawa ni Tess sa excitement ni Jen.

"It's settled then. I will send you the details. Seeyah guys."

"Seeyah!!" they chorused.

Binaba ko ang telepono at napangiti. Kahit papano ay nawala sandali ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Napa-ayos ako ng upo ng may biglang kumatok.

"Pasok."

"Goodmorning, ma'am! I'm your assistant and I will be the one to introduce you to the employees in our department." She gleefully said.

"Thanks, I will follow shortly."

Pagkalabas niya ay inayos ko muna ang aking sarili. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. This is it!

Time to work.
____

Enjoy reading!

The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon