Chapter 1
The Deal
Sierra's POV
"TSS! Kung makatingin ka dyan sa bestfried mo wagas. Baka matunaw yan." saway sa akin ni Jen ng makitang sinundan ko ng tingin si Josh nang dumaan ito kasama ang mga teammates sa basketball.
"Ayiiie, sabihin mo na kasi sa kanya." suhestiyon ni, Tess. Nalalakad na kami pabalik sa classroom namin para sa huling subject namin ngayong araw.
"Ilang beses ko ng pinagtapat pero paulit-ulit lang ang sagot. Buti nga at hindi naapektuhan nun ang friendship namin."
"Alam mo girl matagal ko natong naisip, baka lang naman ah." Tumango ako kay Jen.
"Kung hindi dahil baka ayaw niyang masira ang friendship niyo baka naman... Bakla. No offense girl."
It's impossible. Si Josh bakla? Eh Sundalo nga ang papa nun na gusto niyang tularan. He dreamed to be part of the military tapos bakla? Napaka-imposible talaga. Napailing ako.
"Imposible 'yan, Jen. Tingnan mo nga ang lalaki niya kung kumilos. Saan parte dyan ang bakla."
She shrug."I'm just stating the possibilities."
"But you can prove it, Sierra. Sabi mo nga 'di ba hindi naman dahil sa friendship niyo at ibang babae so why try right? There's no harm in trying." Biglang sabat ni Tess. I have a bad feeling to where this conversation ends.
"Right, Sierra. What if you make him fall inlove with you? Wait scratch that, you should seduce him and prove a point."
"That's a bit risky, Jen. "
"Eh di 'wag, ikaw na nga tong tinutulungan diba, Tess?" Tinanguan siya nito. "Oo nga try mo na, Sierra."
Nagkatinginan silang dalawa. "Oplan seducing my besfriend lang ang peg!" sabay nilang turan. Napa-facepalm ako sa dalawa. Ang dami talagang alam.
"No, I won't do that."
"Sige, gusto mo yatang ipamigay sa iba." Nginuso nila sa akin ang direksyon kung nasaan si Josh. Nanliit ang mata ko nang makitang lumapit yong leader ng cheering squad sa grupo nila Josh.
Ang kinagulat ko pa ay ang pagpulupot niya sa braso ni Josh at pagdiin ng malalaki niyang hinaharap sa braso nito. Langya! Kapal muks lang girl?
"Kapag hindi mo pa yan nabakuran maaagaw 'yan ng iba. Malingat ka lang nako!" Bulong nila sa akin. Halos umakyat lahat ang dugo ko sa ulo dahil sa galit.
"You can call us kung papayag kana. Mauna na kami." Bulong ni Jen.
Naiwan ako doon habang nakatanaw pa rin kina Josh. Shit! Kaya ko ba?
Biglang napatingin sa direksiyon ko si Josh. He smile and wave at me.Damn! That smile...
---
Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETED
Romance"Every story has a twist and this is the twist of our own story." After realising that she is in love with his best friend, Sierra came out with a plan to seduce him and prove to her friends that he's not a gay. But their story doesn't end in him b...