Seducing 14

1.2K 39 2
                                    

Chapter 14

Avoiding

Josh’s POV

NAGISING ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa bintana. Napahawak ako sa aking ulo na parang binibiyak sa sakit.

Damn hangover! Nasobrahan yata ako ng inom.

Nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid.

Paaano ako nakauwi? Lasing na lasing ako kagabi ah? Napakamot ako sa aking ulo. Wala akong maalala.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Rara na may dalang tray ng pagkain. Agad akong ginutom sa amoy pa lang niyon.

“Para sa akin ba ‘yan, Rara?” I give her a puppy eyes. Nilapag niya sa aking harapan ang tray na hindi tumitingin sa akin.

“Ay hindi, para sa kapitbahay, Josh. Para sa kapitbahay.” Sarkastiko niyang turan. Anong problema niya? Sa pagkakaalam ko hindi natatapos ang buong araw na hindi niya napapagsawaang titigan ang aking mukha. Anong problema niya ngayon. Ang init pa ng ulo.

Sinilip ko ang kanyang mukha na natatabunan ng kanyang buhok at laking gulat ko nang namumula ang kanyang mukha. “May sakit ka ba, Rara? Bakit namumula ang mukha mo?” nagulat siya sa sinabi ko. Agad niyang hinawakan ang kanyang pisngi at ng iwas ng tingin.

“Alam mo ang weird mo ngayon, Rara. Halika nga dito, let me check your temperature.” Hinila ko siya papalapit sa akin. Halos maupo na siya sa kandungan ko dahil sa pagkabigla. Hinawakan ko ang kanyang noo. Our face are inches away making my heart react violently. May alaala na biglang pumasok sa isip ko. Magkalapit din ng ganito an aming mukha ngunit hindi ako sigurado kung nangyari ba talaga iyon o guni-guni ko lang. Natauhan   ako ng biglang hinawi ni Rara ang aking kamay.

“Ano bang ginagawa mo, Josh? Wala akong sakit!” Lumayo siya sa akin ngunit hindi nakalagpas sa aking paningin ang lalong pamumula ng kanyang pisngi.

“Galit ka ba? Concern lang naman ako sa’yo eh baka ano ng mangyari sa’yo dahil ang pula ng mukha mo.” Katwiran ko habang nakanguso.

“Wala ka bang maalala, Josh? Baka naman umaarte ka lang.” bigla akong nalito sa sinabi niya.

“Ano ba dapat ang maalala ko?” walang kamuwang-muwang kong tanong. Bigla siyang napapadyak na kinagulat ko. Ano bang dapat kong maalala at galit na galit siya?

“Hindi mo ba talaga maalala ‘yung kagabi? ‘yung…” sabi niya habang ngumunguso.

“Anong ganito?” tanong  ko habang nakanguso rin.

“’Yung kagabi!” bigla niyang sigaw.

“Ano bang nangyari kagabi?” inosente kong tanong. Bigla siyang sumigaw habang ginugulo ang kanyang buhok.

“Wala! Kumain ka at uminom ng gamot baka maalala mo!!!” galit niyang sigaw. Lumabas siya at pabagsak na sinarado ang pinto. Hindi ko talaga alam kong paano umiikot ang utak  niya. Ang komplikado. Kinuha ko ang kutsara at nagsimulang sumubo ng pagkain walang alam sa pang-yayari na kinagalit niya. Hindi naman siguro ganun ka sama ang ginawa ko para magalit siya ng ganun ‘di ba? Sana lang.

Sierra’s POV

ANG SAMA-SAMA niya!!! Pagkatapos niyang papakin  ang labi ko kakalimutan na lang niya ng ganun-ganun na lang?!! He should take responsibility for making my heart erupt with such emotions. Napahawak ako sa aking  noo kung saan niya ako hinawakan kanina. I feel butterflies in my stomach and I can’t help myself to smile. Ganun ba talaga kapag may hangover? Dapat ko yatang dalasan ang paglalasing sa kanya ah.

The Twist Of Our Love Story (Seducing Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon