Chapter 5:I dont want you to touch me

116 1 0
                                    

[cont. CASS POV]

Nang makarating ako sa bahay nila Kyle, nakita ko agad siyang nakahiga lang sa kanyang kama. hawak hawak ang remote habang nanonood ng movie sa tv. naka-pajama lang ito at walang damit pang itaas.

He was hot, and also mine.

ugh.. not anymore.. isa na akong patay kaya hindi na siya sa akin..

nakakalungkot na hindi ko na siya nakakasama.. nakakausap..

natigilan ako nang biglang ikinunot ni Kyle ang noo at unti unting tumingin sa direksiyon ko.

"could he see me?" sabi ko

Tatlumpung segundo ring nakatingin si Kyle sa direksiyon ko pagkatapos ay ipinilig ang ulo at muling tumutok sa TV

"I guess not." malungkot na muling sabi ko

ibinaling ko ang paningin sa kanyang bedside table at napangiti nang makita ko ang picture naming dalawa ni Kyle sa wooden photo frame.

nakatayo kami sa tapat ng malaking Carousel sa isang amusement park.

he was behind me with his arms around my waist, nakapatong rin ang kanyang baba sa balikat ko at ubod tamis kaming nakangiti.

napabuntong hininga ako.

lumakad ako sa kamang kinaroroonan ni Kyle at umupo sa tabi niya. tinitigan ko muna ang napakagwapo niyang mukha pagkatapos ay itinaas ko ang isa kong kamay para hawakan ang pisngi ni Kyle.

naglagos lamang ang aking kamay sa pisngi ni Kyle at pagkuwan ay waring nanginig ito ng bahagya.

ngunit binalewala lamang ni Kyle ang naramdaman. kinuha nito ang unan na nasa gilid niya pagkatapos ay itinanday at humarap sa kabilang direksiyon, patalikod sa akin.

nakaramdam ako ng di mapapantayang lungkot. hindi ko na mahahawakan si Kyle kailanman..

ipinikit ko ang aking mga mata at inihilig ang ulo sa tagiliran ng aking boyfriend..

ang aking boyfriend na walang idea na kasama niya ako sa kwarto..

ang aking boyfriend na mahal na mahal ko ngunit hindi na makakasama kailanman...

++++++++++++++++++++++++++++++++++

umalis na ako sa bahay nina Kyle ng 8pm. kahit ano pang gawin ko hinding hindi niya na talaga ako makikita.. maraming beses ko din siya nakitang nakatingin sa picture namin na may lungkot sa mga mata.

He must miss me, at nadudurog ang puso ko sa kaalamang iyon kaya nagpasya na lang akong umalis na..

bumalik ulit ako sa bahay nina Carter. kailangan kong mag-focus sa mission ko, ang mahanap ang pumatay sa akin.

yan din ang dahilan kaya kailangan kong magtiis na makasama ng ilang oras ang Jerk na iyon.

iginala ko ang aking paningin, hindi pa rin bumabalik si Carter.

umupo ako sa sofa at nakita ko na naman ang mga kalat sa kanyang kwarto. kailangan ko yatang maglinis kahit hindi ko naman iyon ginagawa noong nabubuhay pa ako.

nagsimula akong maglinis. binuksan ko ang wardrobe gamit ang aking isip.

puno lang iyon ng hanger with no clothes on them. paano ay nakalagay lang sa ilalim na halatang kinuha sa hanger at pagkatapos na hindi magustuhan ang damit, itinapon lang sa ilalim ng wardrobe.

ibinaba ko ang aking paningin and with the mind moving thing, inisa-isa kong inayos iyon sa hanger at ang iba pang mga damit na hindi nakasalansan.

Im Inlove with a Ghost  O.O <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon