[ghost-jerk story] - CHAPTER 2
[CARTER]
"whoooh! ang daming babae! hahaha" tawa ni Brent. "buti pa si Carter naka-score na.." dugtong pa niya.
"ang bilis! hindi kaya makabuntis ka na niyan?" asar naman ni John
"I'm not a fool! lagi ako may handang proteksiyon!" mayabang na sagot ko sabay tungga sa bote ng alak.
nasa kitchen kaming tatlong magkakaibigan, talking about the girl who I'd just finished with upstairs. ni hindi ko matandaan ang kanyang pangalan..
"by the way, nasaan na ba si Kyle?" tanong ko.
"nagtext si Shane, kakagaling daw doon ni Kyle sa bahay nila at pinilit siyang ibigay ang address ni Cass. pero syempre dahil matagal nang bilin ni Cass na wag ipapamigay ang address niya, hindi ibinigay ni Shane." paliwanag ni Brent.
tumingin sa akin si John. "buti par hindi naiisipan ni Kyle na kunin ang address ng bahay niyo. diba magkatapat lang kayo ng bahay ni Cassidy?" tanong ni John.
nagkibit-balikat lang ako. "pinag-awayan na nila ata yan ni Cass kaya siguro hindi na niya ako tinanong tungkol dyan." sagot ko naman.
iginala ko ang aking paningin, ang daming nagkakasayahang tao sa labas ng bahay. ang iba ay nag swi2mming, ang iba naman ay sumasayaw.
John done well again. bakit hindi? napakayaman nito. kung ang ibang kabataan ay galit sa mga magulang na laging umaalis dahil sa business trip sa ibang bansa, ibahin nyo si John. oras na malaman nyang aalis ang kanyang mga magulang upang asikasuhin ang negosyo sa America, magpa-plano na ito para sa isang magarbong party na puro kababaihan ang halos inimbita at karamihan sa kanila ay hindi naman nila personal na kakilala.
mayayaman naman silang magkakaibigan pero mas nakakaangat lang talaga si John at dagdag pa ang pagiging maluwag ng mga magulang nito.
Nang mapatingin ako sa grupo ng mga naghaharutang lalake, may napansin akong isang pamilyar na pigura. tila wala ito sa sarili na hindi maintindihan kung nahihilo ba ito o naparami na ng inom.
sinundan ko ito ng tingin hanggang pumasok sa pinto at dire-direchong umakyat sa hagdan.
napangiti ako. tamang tama wala pa si Kyle, mainis nga ang babaeng ito..
tumayo ako at nagpaalam saglit sa dalawa kong kaibigan at sinundan ang babae. nakita ko siyang pumasok sa isang nakabukas na kwarto na halatang isa lamang sa mga guest room. iniwan din niyang nakabukas ang pinto kaya pumasok ako at pagkatapos ay isinara ko rin iyon.
umupo ang babae sa dulo ng kama at tumitig lang sa akin. blangko lang ang reaksiyon nito.
That was weird. normally, bigla itong sisimangot o di naman kaya ay galit ang lalatay sa maganda nitong mukha.
naglakad ako at umupo sa isang sofa. pinakiramdaman ko muna ito pero himalang tahimik pa rin.
'haha, siguro lasing na ito kaya hindi nag aala-tigre!' sabi ko sa sarili
"Cass! I'm surprised your here. dapat pala araw-araw kang umiinom ng alak para bumait ka noh?" panimulang pang-aasar ko.
sa wakas nag-iba na ang reaksiyon ni Cass. para itong sobrang na-shocked at nanlaki ang mga mata.
'sasagot na yan. umpisa na naman ng away haha' natutuwang sabi ko ulit sa sarili pero imbes na ang inaasahang galit at masasakit na salita ang sabihin nya para sa akin, iba ang lumabas sa kanyang bibig.
"Y-Y-You can see me?" nauutal na tanong ni Cass. shock pa rin ito
pinilit ko naman itago ang nais kumawalang halakhak.