Chapter 1. Is it real? Is it real ?

97 2 0
                                    

[CASS]

Naaalala ko, isang normal na araw lamang iyon bago ako mamatay. araw iyon ng lunes kung saan ay umpisa na naman ng trppings at bonding ng magbabarkada.

gumising ako ng maaga at pumasok agad sa CR upang maligo. sa school na ako kakain kasama si Kyle..

nang makatapos maligo ay isinuot ko ang kabibili ko lang na white dress na may Chanel signature.

it was elegant Burberry Cotton 3/4 Sleeve na umabot hanggang sa taas lang ng tuhod. binagayan ko iyon ng gold pointed heels at gold din na pouch. ilang ikot sa salamin sabay sabing "perfect!" at wave sa buhok then lumabas na ako sa room ko.

pagbaba sa hagdan, nakita ko si mommy na nagyoyoga sa garden.

"Oh gising ka na pala, gusto mo kumain?" yaya ni mommy.

"sa school na ako kakain mommy, male-late na ako." tanggi ko.

"ok.. mamaya pupunta pala ako sa Cebu, biglaan kasi. may business gatherings kami, baka medyo matagalan ako.." naiilang na wika ni mommy "anyway dinagdagan ko na yung allowance mo.."'

"alright.." sabi kong bumuntong-hininga. halatang nagsisinungaling na naman si mommy, kabisado ko na sya. "alis na ako.." tuloy-tuloy na akong naglakad.

"baby, kiss ko?" pahabol na sabi ni mommy. napabuntong hininga na lang ulit ako sabay balik papunta sa kanya.

"mom how many times i told you i'm not a baby anymore!" inis na sabi ko sabay halik sa pisngi ni mommy. kumuha na din ako ng sandwich na nasa table, medyo kumakalam na din kasi ang sikmura ko pero kailangan ko mag-breakfast kasama ang mahal kong si Kyle.

"kahit dalaga ka na, your still my baby." giit ni mommy.

"Whatever!" sabi ko sabay talikod at nagmamadaling lumabas sa gate.

ang totoo sabik ako sa aruga ng isang ina. di ko naman kasi naranasan yung 100% na full time ng pag-aalaga nya. ang sa akin lang, ayaw kong tinatawag nya akong baby,alam ko kasi ang nasa isip nya. gusto nya magmukhang bata kaya tinatawag nya akong baby! hmp!

hindi naman sa masama akong anak kaya ganun ako kay mommy, naglalambing din naman ako dun paminsan-minsan. kaso minsan talaga hindi ko na matiis ang ginagawa niya. tumatandang paurong.. kailangan lagi nakapostura at ang pinaka-worst, nakikipag-boyfriend pa. actually sa mga kaedad naman nya at hindi sa mga bata. kaso nakakainis lang dahil animo para lang itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng boyfriend! gross!

yung sandwich tuloy ang napagtripan ko dahil sa inis. galit na kumagat ako doon ng malaki habang ngumunguya ng tila wala ng bukas.

"Ladies should really eat like ladies.. not like animals!" narinig kong sabi ng isang hambog na lalaki mula sa aking likuran.

"hoy bakulaw! ako ba ang pinariringgan mo?" harap ko kay Carter habang puno ng sandwich ang aking bibig. inagahan na nga nya para hindi nya nakakasabay ang lalaking ito pero himalang maaga din itong papasok!

"ay hindi,hindi.. itong poste!" wika ni Carter sabay turo sa posteng katabi nito. 

"aba't.. " pamewang ni Cass.

"ano?" hamon ni Carter sabay lapit sa kanya kaya't nakatingala na sya dito dahil sa tangkad nitong 5'11.

He was hot, hindi nya made-deny iyon. nakasuot ito ng black jeans at white shirt na may nakasulat na "You can only be young once. But you can always be immature." I rolled my eyes. ang layo na talaga ng ugali nito ngayon kaysa sa dati noong mga bata pa lamang kami. napaka-childish nito, nakakahawa tuloy.

"naga-gwapuhan ka na naman sakin?" pambubuska pa nito.

"hmp! monkey!" sigaw ko

"baboy!" sigaw din ni Carter.

Im Inlove with a Ghost  O.O <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon