Chapter 7

38 1 0
                                    

[cont. Carter POV]

Nitong mga araw na 'to feeling ko nasa CSI at Ghost whisperer ako. paano ba naman, mayroong lumiligid ligid sa aking ghost asking me to solve her murder at ngayon, para naman akong isang undercover cop na kailangan magkunyaring masugid na lover ni Dianne upang mahanap ang ebidensiya sa kanya.

hindi ko na nakita si Cass hanggang mag lunch.

papunta na ako sa Cafeteria nang makasalubong ko si Brent kaya sabay na kaming naglakad.

nakwento niya din na napakatahimik ni Shane mula pa kaninang umaga.

alam ko kung bakit, siguro dahil sa nangyari sa Health class kanina?

"siguro may iba na siya at nagi-guilty kaya siya nagkaka-ganoon." theory ni Brent

"bakit naman siya magi-guilty, I thought nothing was going on between you and Shane?" patuya akong ngumiti habang nakaupo at kumukuha ng pizza.

"yeah, nothing is going on between us!" mabilis na sagot nito pero halatado namang nagsisinungaling.

"Really? eh bakit parang nagagalit o nagseselos ka diyan?" pang aasar ko

sasagot sana si Brent pero biglang dumating sina Kyle at John kasama si Shane.

normally, magkukwento na naman ng kung ano-ano si Shane kahit hindi pa man nakakaupo pero ngayon ay napakatahimik nito..

She look at me suspiciously when she sat down.

tamang nakaupo si Shane, binato naman siya ng chips ni Brent.

"HEY!" sabi nito na nakatingin kay Brent

"may bumato sayo ng chips galing doon!" wika ni Brent sabay turo sa kabilang mesa na walang tao.

tingin ko gustong i-cheer up ni Brent si Shane and i think it was working. gumanti si Shane, kumuha siya ng sauce ng pizza at ipinahid sa pisngi ni Brent. ayun, masaya na ulit silang naghaharutan.

kumakain na kami nang biglang dumating ang grupo nina Anthony at kinausap si John about sa drinking session nila mamayang after class, pagkatapos ay umalis na rin ang mga ito.

"sama ka par?" tanong ni John kay Brent

"hmm nagpapasama si Shane sa national bookstore eh" sagot ni Brent

"ikaw?" lingon ni John kay Kyle. umiling lang si Kyle

"ikaw par?" baling ni John sa akin

"pass muna par.." tanggi ko

"oo nga pala, baka mamaya iba na naman ang maging epekto sayo nun.." natatawang wika ni John

"epekto?" tanong ni Brent

"have I missed something?" naging interesado naman na tanong din ni Kyle

"well, sa party ko kasi last week naabutan ko si Carter na tumatawa mag isa at parang may kausap. ang sabi naman niya sa akin, ang kausap niya ay isang ghost" tumatawa si John habang sinasabi iyon

hindi ko naman ma-depensahan ang sarili ko dahil kailangan ko pang i-explain na talagang nakikipag usap ako sa ghost nang mga oras na iyon at baka isipin nilang nasisiraan na ako ng ulo kaya sinakyan ko na lang si John.

"ah, yeah.. iba nga yung tama sa akin ng alak na galing sa Europe, nakakakita ako ng ghost kuno hahaha.." wika ko na may pilit na tawa, nagtawanan na din ang mga kasama ko sa table na iyon.

muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita kong naglalakad si Cass at maya-maya ay umupo sa upuan na katabi kay Kyle.

nakita ko rin si Shane na tumingin sa gawi ni Kyle pagkatapos ay tumingin sa akin pero iniiwas ko ang paningin ko.

Im Inlove with a Ghost  O.O <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon