[cont. CASS POV]
Alam ko dumiretso na ng uwi si Carter at ako, nag-isip muna ng tamang gagawin kaya nagpalipas muna ng ilang oras sa eskwelahan at nang makitang papauwi na ang mga estudyante, nagpasya na rin akong umalis na..
at ngayon, 10 minutes na akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Carter. trying to find the guts to walk in and face him pagkatapos ng mga nasabi ko sa kanya kanina sa Cafeteria.
bumuntong hininga muna ako pagkatapos ay humakbang at inilagos ang aking katawan sa pintuan.
kinakabahan ako.. He must hate me. alam ko may nasabi siya sa akin kaninang umaga pero feeling ko mas masakit ang mga nasabi ko.
pagkatapos kong marinig kay Kyle na namimiss na niya ako at makita pa itong naiiyak, bigla akong nakaramdam ng sobrang galit kaya nawala ako sa control. dagdag pa ang nangyari sa amin kaninang umaga ni Carter kaya nagagalit ako kung bakit ito pa ang nakakakita sa akin.
nakapagsalita tuloy ako ng masakit.. di ko rin alam pero feeling ko kanina, I wanted to hurt Carter.
nang makapasok sa kwarto, nakita kong nakaupo si Carter sa kama habang nakasandal ang ulo sa headboard. mukhang bagong ligo ito dahil fresh ang aura at medyo basa pa ang buhok nito. nakikinig rin ito sa iPod na naka-konekta sa stereo.
nang mapansin ni Carter ang presensiya ko, tumingin ito ng ilang segundo sa akin, his face like stone.. pagkatapos ay inalis din nito ang paningin.
kinuha ang iPod sa tabi nito at kunyari ay pumindot-pindot doon.
"Look Carter, yung mga nasabi ko kanina di ko yun sinasadya" panimula ko at naisip kong hindi pala madali ang mag-apologize dito tulad nang kaninang iniisip ko.
hindi tumingin si Carter sa akin.
"I didn't mean it. nadala lang ako sa sinabi ni Kyle at sa nakitang lungkot sa kanya." muling sabi ko, realising he wasn't going to say anything.
hindi man lang ito gumalaw. it was like I wasn't even in the room with him.
napapadyak ako. "Carter, I'm trying to apologize here!" nakalabing wika ko.
pinagalaw lang nito ang labi para ngumiwi ng bahagya pero hindi pa rin ito nagsalita
"You're seriously ignoring me?" natatawang sabi ko.
lagi kasing ginagawa ito ni Carter noong mga bata pa lang kami whenever I would do something to upset him. hindi niya ako kakausapin ng ilang oras, magpre-pretend itong wala ako.
It drove me crazy every time, and he knew it. kaya madalas niya itong gawin noon.
"Carter grow up were not 10 anymore!" sabi ko
binounce lang ng mahina ni Carter ang ulo, ipinapakitang nag-eenjoy ito sa music. again completely ignoring me.
"Carter alam mong ako ang pinaka nakakainis na tao para sayo diba? magpre-pretend kang di mo ako naririnig pero alam ko maggi-give up ka din!" kumpiyansang sabi ko
ikinunot ni Carter ang noo pagkatapos ay iginala ang paningin sa buong kwarto, maya maya ay nagkibit-balikat.. nagkunyaring walang nakikita at naririnig
ayaw talaga niyang patalo? well, neither was I!
"CARTER, CARTER, CARTER, CARTER, CARTER, CARTER.. " I repeated his name over and over for 5 minutes nang makita kong nairita ito at kinuha ang remote ng stereo at itinodo ang volume.
"CARTER, CARTER, CARTER, CARTER, CARTER, CARTER.. " muling sabi ko na may pigil na tawa. nagsisimula na kasi itong mainis.
muling kinuha ni Carter ang remote at pinatay ang stereo pagkatapos ay kinuha niya ang headset na nasa side table at isinuot iyon sa ulo.