Chapter 10

55 1 0
                                    

[CARTER POV]

*FLASHBACK continues*

1 year ago

Tumagos ang sinag ng araw mula sa bintana na naging dahilan para magising ako. iminulat ko ang mga mata ko at bahagyang uminat para tuluyang magising.

ibinaba ko ang aking paningin at doon ay nakita ko si Cass na nakayakap sa bewang ko. napangiti pa ako nang masilayan ko ang maganda niyang mukha.

'napakaganda niya talaga kahit natutulog..' wika ko sa sarili.

isang napakagandang pangyayari ang naganap sa amin kagabi, and I smiled thinking about it.

marami nang dumaang mga babae sa buhay ko pero kakaiba ang nangyari kagabi, at nakasisiguro ako na hindi lang iyon ginusto ng katawan ko, kundi pati na rin ng puso ko.

Me and Cass had always been good friends, minsan nag-aaway kami pero nagkakaintindihan rin naman agad.

Due to my reputation, I had to be a jerk to every female I saw especially kapag kasama ko ang barkada but when we were alone, matalik na kaibigan ang turingan namin sa isa't-isa. naiku-kwento ko sa kanya ang lahat-lahat na hindi na kailangan umakto ng mayabang. si Cass lang rin ang nakakapagpa-halakhak sa akin ng todo na hindi nagagawa ng barkada o ng ibang mga babae..

more than anything, I felt comfortable.

kahit ano pang asaran at argumento namin sa isa't-isa, si Cass lang ang tinatawag ko pag may problema ako. To be honest, she was the person I wanted around..

idinantay ko ang kamay ko sa pisngi ni Cass at hinaplos iyon ng marahan. gumalaw siya ng bahagya and then still sleeping, smiled.

napangiti ulit ako pero bigla ring natigilan. na-realized kong hindi ito tama.

hindi ko pa nararamdaman sa ibang babae ang nararamdaman ko ngayon.. at never pa akong tumitig sa babae pagkatapos makipagtalik o habang sila'y natutulog.. as in never!

nakaramdam ako ng takot.

wala akong alam tungkol sa Love.. I mean I don't love girls!

I f*ck them and dump them.. That's how it worked.

nakaramdam ako ng munting panic. hindi ko pwedeng maramdaman ito dahil alam kong hindi ko kayang i-handle ang isang seryosong relationship. maraming magiging obligasyon pag nasa isang seryosohang relasyon.

kahit may mga nakatalik na rin akong mga babaeng birhen pa, alam na alam ko sa sarili ko na kagabi ang pinaka the best sa lahat ng karanasan ko pero hindi pa rin iyon magiging dahilan para mabago ang katotohanan na isa akong player. I'm an as*hole.. hinding hindi na talaga mababago iyon.

So I realized I had a choice.

I could either stay in bed right now at titigan lang buong maghapon si Cass na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko naranasan sa ibang mga babae and possibly risk breaking her heart... alam kong maaari iyong mangyari. kilala ko ang sarili ko, kahit pilitin kong magpakatino, baka hindi ko kayanin at hindi ko maalagaan ang relasyon namin.

sinisigaw ng puso ko, kaya kong iwasan ang mga babae at ang barkada para kay Cass pero may munti pa ring takot akong nararamdaman kung isusugal ko iyon.

ang second option ko, kalimutan ang nangyari sa amin kagabi and walk away.. alam ko masasaktan siya pero panandalian lamang siguro iyon kumpara sa maaaring magawa ko sa kanya at sa relasyon namin in the future.

mga limang minuto rin akong nag-isip ng malalim and i finally chose the second option.

I could never make her happy..

Im Inlove with a Ghost  O.O <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon