PROLOGUE
What the hell happened to my life?
Kanina lang ay isa akong normal na teenage girl na mayroong napakagwapong boyfriend, pinakamamahal na kaibigan and overall, a pretty normal life.
Ngayon, isa na akong patay at ang pinaka-jerk na nakilala ko sa tanang buhay ko lang ang tanging nakakakita sa akin? bakit sa mayabang at kaaway ko pa?!
Anyway, let me start from the beginning..
Ako si Cassidy "Cass" Bustamante, 18 years old. My dad died when I was 2 years old, so kami na lang ni Mommy ang magkasama pero lagi naman kaming hindi magkasundo. hindi ko gaanong nakilala at naaalala ang Father ko, i mean huli ko kasi syang nakasama noong dalawang taong gulang pa lang ako kaya malamang busy ako nung time na yun sa pag aaral magsalita at maglakad ehehe. but I will always love him. After all he is my dad.
Naalala ko na lang ang lahat nung ako ay apat na taong gulang na. I remember, palipat lipat kame ng bahay ng mom ko dahil sa papalit palit din na work nya, sabi nya gusto nya daw maging busy para makalimutan si Daddy. pero Duh.. madali naman syang ma-inlove pag may nagiging nice na lalake sa kanya =.=
Sampung taong gulang na ako nang finally, bumili kame ng bahay dito sa isang subdivision sa Malate, Manila. hindi na kami lumipat at dito na talaga kami tumira hanggang ngayon.
Second year college na ako sa De La Salle University and i'm normally seen with my best friend and PARTNER IN CRIME, Shane Morales. high school pa lang naging magkaklase na kami kaya sobrang naging close kame na halos magkapatid na ang turingan.
Then there was Kyle Ramirez. 1 year na kaming magkarelasyon. dumating sya nung time na masama ang loob ko, gusto ko maghiganti at iproved na wala lang rin "SIYA" sa buhay ko - which will be explained later.
nasa iisang grupo kami na pinangalanang "The Gorgeous Ones". kasama dito ang mga playboy na bestfriend ng boyfriend ko na sina Brent at John.
at ayaw ko man, pero kailangan kong idescribed ang isa sa kasama sa grupo at kaibigan ng boyfriend ko, ang pinaka- Jerk, Arrogant, MANSLUT sa aming unibersidad. JAMES CARTER SY. half Pinoy half tsekwa.. ubod sya ng panget! bakulaw at higit sa lahat mukhang halimaw!............... hmp! sige na nga nagsisinungaling na ako.. sya ay isang half Pinoy, half Chinese. He was the 'hottest' most popular boy at DLSU. ginagamit nya ang kanyang unbelievable good looks and charms sa mga naggagandahang babae para makapambiktima at sila ay maikama. (sorry for the word.) isa na sa biktima nya ay ang sexy pero haliparot na si Dianne Sanchez.
Magkakilala na kami ni Carter sampung taong gulang pa lamang, magkapitbahay kasi kami. as in tapat lang ng bahay namin ang bahay nila. actually close naman kami dati, nung time na yun isa syang gentleman at napakabait na lalaki para sa akin. komportable ako sa kanya tulad nang nararamdaman ko ngayong pagka-komportable sa bestfriend kong si Shane.
Pero nagbago ang lahat when that Jerk showed his true colours when we were 17.
Pagkatapos kong makita ang tunay nyang kulay, sa tuwina'y lagi na nya akong iniinis. doon nag umpisa ang pagiging aso't-pusang trato namin sa isa't-isa.
Pero kahit ganun, I'm a good person. i mean, hindi ako masamang tao para gawin sa akin itong brutal na pagpaslang. alam ko brutal iyon dahil nararamdaman ko. pero bakit hindi ko alam kung paano ako pinatay? sino ang killer? saan itinago o tinapon ang aking katawan?
Ito ang aking magiging misyon na ................ kasama ang Jerk na si Carter??!
ano kayang mangyayari sa pagsasama namin? hmm...
So ayun.. ako si Cass and i am a ghost.
______
Reminder: Im not a disclaimer . i just so love this story so i repost it but honestly i dont know who wrote this awesome story . So,Hope you enjoy reading it guys :)
Vote narin kayo para di masayang effort ko . haha thank you in advance :))
Tururut . Hart.Hart <3 <3 <3