Chapter 4 : I Need Your Help

59 2 0
                                    

[cont. CASS POV]

"why me?" nakakunot at asar na tanong ni Carter

itinaas ko naman ang isa kong kilay.

"hindi pa ba malinaw? ikaw lang ang nakakakita sa akin diba? I don't know why the hell it's only you pero makipagtulungan ka na lang kung ayaw mong multuhin kita habangbuhay!" pananakot ko pero sa loob-loob ko ay natatawa ako.

inis na ngumiwi si Carter.

"ok ok.. so then Casper, kailan tayo magsisimula para ma-solve na yang great murder mystery mo?"

nanunuyang tanong nito

"don't call me Casper!" malakas na sabi ko napangiti naman ito sa nakitang inis sa akin. 

pano ba kami magkakasundo, halos nagpapalitan lang kami ng galit sa isa't isa.

one minute, siya ang maiinis, maya-maya ay ako naman..

"so sa ngayon, kung sino man ang may hawak ng cellphone mo, maaaring siya ang pumatay sayo." maya-maya ay sabi nito, nakaupo pa rin kami sa sofa habang nag uusap.

"walang magsususpetsa na namatay ka dahil alam nila umalis ka lang dahil sa sinend mong--"

"ang killer ang nagsend ng text message, not me!" putol ko sa sasabihin ni Carter.

"ok ok pero ang alam nga nila ay ikaw ang nagtext!" sabi ni Carter.

"wait, the last thing you remember is someone calling you?" tanong ng lalake, tumango naman ako.

"well that person who called you is probably the one who killed you. siguro tinawagan ka para makipagkita sayo. which also means, ang taong pumatay sayo ay kakilala mo." wika ni Carter.

napanganga naman ako, It did make sense.

"wow, kahit pala papano gumagana yang maliit na size ng utak mo" tukso ko sa kanya.

"ok lang, meron naman akong maipagmamalaking large size diba?" balik tukso sa kanya ni Carter

namula naman si Cass.

grrr.. kahit patay na ako pinapamukha niya pa rin sa akin yun!

"lalabas lang ako saglit ha" wika ni Carter sabay labas sa pinto.

30 minutes later...

"ang tagal mo naman!" inis na sabi ko

"matagal na ba ang 30 minutes?" sabi naman ni Carter sabay lapag sa table ng pizza at isang large coke.

kumuha si Carter ng isang slice ng pizza at prestong umupo habang ngumunguya.

"You're such a gentleman, thanks for asking kung gusto kong kumain!" sarkastikong sabi ko

"You're a ghost, hindi ka na makakakain" wika nito na punong puno ng pizza ang bunganga. 

"hindi iyon ang punto ko. it's being polite,idiot!" nakairap na sabi ko. "ganyan ka ba magtrato sa mga guests mo?" dugtong ko pa.

"hindi, wala naman akong nagiging bisita dito eh. kadalasan ini-invite nila ako sa bahay nila at diretso agad sa kwarto" nagingiting wika ni Carter. "tatlo lang yata 'kayo' nakapasok dito" asar pa niya.

"pwede ba wag mo na ipaalala!" pikon na singhal ko. "bwisit ka sa buhay ko!"

"You're dead, you don't have a life.." pagpapatuloy na asar ni Carter.

napairap na lang ako at huminga ng malalim dahil sa walang katapusan naming asaran.

"before I lose my temper, bumalik na tayo sa iisue." sabi ko

Im Inlove with a Ghost  O.O <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon