[CARTER POV]
Kinabukasan pagpasok ko sa school, dumiretso muna ako sa tambayan namin sa cafeteria habang wala pang klase.
"You really are a jerk Carter!" bungad ni Shane sa akin habang katabi si Brent.
"wow ang ganda naman ng bati mo, good morning din!" sabi kong nakangiti. kahit kailan talaga pang-asar ako
"Thanks to you wala akong kasa-kasama dahil sa pangpipikon mo kay Cass!" balewala nito sa pang aasar ko.
uupo na sana ako nang matigilan ako. sasabihin ko na kaya na patay na si Cass?
pero paano? syempre itatanong ni Shane kung paano ko nalaman. anong isasagot ko? dahil nakita ko ang kaluluwa nito kagabi? baka pagtawanan lang ako ng mga ito.
siguro hindi na muna ngayon..
"It's not my fault." bagkus ay iyon ang itinugon ko kahit nakararamdam ako ng guilt.
kung hindi kaya umuwi ng maaga si Cass dahil sa pang aasar ko wala kayang mangyayari sa kanyang masama?
"umalis na naman siya, di ko alam kung saan na naman gumala yun.." malungkot na may halong inis na tugon ni Shane.
ibubuka ko pa lang ang bibig ko para sumagot nang may nagsalita mula sa likod ko.
"Baby I'm bored, tambay tayo sa bahay?" napatigil ako sa pag iisip nang bumungad ang schoolmate naming si Dianne Sanchez
Dianne was my latest thing. pero iniisip ng babae na may relasyon kami kahit para sa akin ay naglalaro lang sila. minsan nga nakakaramdam na ako ng pagkasawa sa kanya. lagi kasing nakalingkis at dikit ng dikit.
nang di ako tumugon ay muli itong nagsalita. "Baby?" sabay kapit sa braso ko.
"pano mo nalamang umalis si Cass?" bumaling ako kay Shane at hindi ko pinansin si Dianne na nairitang inalis ang kamay sa braso ko sabay upo.
"She text me Monday night" tugon ni Shane.
"and me" sabi ni Kyle sabay upo sa table nila, umupo na din ako habang naguguluhan
"anong eksaktong sinabi niya sa text?" tanong ko kay Shane at Kyle
kinuha ni Shane ang cellphone mula sa bulsa at binasa sa harap ko ang text message ni Cass
"Beshie aalis muna ako ng ilang araw. need time to myself.. hindi ko na kinaya ang pang aaway sa akin ni Carter, text kita pag nakabalik na ako. Love you xoxo'" malakas na sabi ni Shane
"I got the same text, iniba lang ng Babe.." sabi ni Kyle. nakaramdam naman ako ng inis nang maisip ko ang tawagan nina Kyle at Cass
"ano bang nangyari sa inyo nung monday?" tanong sa akin ni Brent
"Nothing we just had an argument." sabi ko "hindi ko naman kasalanan kung sensitive masyado ang mga babae diba?"
mayabang na dugtong ko pero naiinis ako sa sarili ko to the point na naisip kong kunin ang bread knife sa tapat ni Shane at itusok sa ulo ko.
napansin ko ding masama akong tinignan ni Kyle bagama't nagpipigil ng galit
"Well may nasabi ka sigurong something bad na naging dahilan ng pag-alis niya?" tanong ni John na ipinagkibit balikat ko lang.
"kung bakit kasi ayaw mo pang tigilan si Cass" sabi ni Shane sabay irap sa akin. alam kong ayaw sa akin ni Shane dahil sa galit sa akin ni Cass kaya sinusuportahan niya ito. hay.. Women and their loyalties.
ang isa lang na rason kaya niya nakakasama ito bukod sa bestfriend nito si Cass na boyfriend si Kyle, ay dahil rin kay Brent.
hindi naman sila pero parang may something na nabubuo sa dalawang ito. minsan sweet sila minsan naman ay parang wala lang at may kanya kanyang partners, kumbaga alam nilang mahal nila ang isa't isa pero ang isa ay manhid at ang isa naman ay natotorpe.
