[cont. Cass POV]
"Carter!" tawag ko sa lalaki, hindi ito lumingon pero medyo binagalan nito ang paglalakad upang makaabot ako.
ramdam ko pa rin ang pagkainis niya sa akin dahil sa nangyari kagabi.
"I think Shane can feel my presence!" agad kong sabi kay Carter
"so ibig bang sabihin niyan tapos na ang pagtulong ko sayo?" wika nito sa napakahinang tinig upang walang makarinig.
"No moron! hindi niya ako nakikita pero tingin ko nararamdaman niyang may kakaibang nangyayari.." sabi ko habang tuloy-tuloy na naglalakad.
nakatingin ako sa lalake at hinahayaan lang na lumagos ang mga nakakasalubong naming mga estudyante at guro.
"Well, wala ring kwenta iyon Cass. hindi ka niya nakikita so it's no use.. alam ko gusto mong makasama ang bestfriend mo but it's not going to happen. and still, magtitiis pa rin ako sayo." wika pa rin ni Carter sa mahinang tinig at medyo nakayuko.
kung hindi lang ako seryoso ngayon baka tawa na ako ng tawa dahil mukhang tanga si Carter sa gawi niyang iyon.
"Carter, alam ko galit ka pa rin dahil sa nangyari kagabi, pero meron akong reason kung bakit ayaw kong subukan mong mahawakan ako." pagpapaliwanag ko
pikon na tumigil si Carter sa paglalakad at lumingon siya sa akin
"Why the hell would I care about that?!" galit na sigaw nito na naging dahilan din para mapatigil sa paglalakad ang mga estudyante at nagsilingunan kay Carter
"uhm, Carter you're talking to yourself remember?" I reminded him.
biglang nawala ang pagsasalubong ng kilay ni Carter at lumingon sa mga tao.
"Is there something I can help you?!" pagalit ngunit mahinahon na tanong ni Carter sa mga tao sa paligid.
mabilis na inalis ng mga estudyante ang paningin kay Carter at nagmamadaling naglakad. nang makalayo ang mga estudyante ay agad na nagbulungan.
nang masiguro ni Carter na na wala na ang atensiyon sa kanya ng mga estudyante, lumingon ulit ito sa akin. I could see the anger in his eyes. talaga sigurong nagalit ito mula kagabi..
"I could not give a shit kung ayaw mong mahawakan kita Cassidy. so don't flatter yourself.. tulad lang nang nangyari dati, you weren't that speciall!" sabi nito sa akin
rumehistro ang sakit sa mukha ko
nang makita iyon ni Carter, nakita ko ang guilt sa mga mata niya pero agad din iyon napalitan ng blangkong emosyon pagkatapos ay inalis ang paningin sa akin at naglakad palayo.
nanatili lang akong nakatayo habang lumalagos pa rin ang mga tao sa akin. pinipigilan kong malaglag ang nagbabantang mga luha..
nangako ako sa sarili ko last year.
That Jerk was not going to make me cry, ever again.
+++++++++++++++++++++++++++++++
[CARTER POV]
What the hell is that brat doing to me?!
nang tumanggi itong mahawakan ko siya kagabi, wala akong ibang naramdaman kundi galit. gusto kong magwala at ihagis ang mga kagamitang nasa paligid ko. nabababawan na rin ako sa sarili ko dahil simpleng bagay lang naman iyon para makaramdam ako ng ganitong galit.
kanina sa Health class nakatulala lang ako habang iniisip si Cass nang bigla ko na lang marinig ang tawa niya. hay, kung nakikita lang rin sana siya ni Shane, baka doon siya sa bestfriend niya nagpapatulong.. hindi rin siguro ako makakaramdam ng ganito..
