Chapter 3: Capolavoro

3 2 0
                                    

Maaga akong nagising, balak kong paglutuan si Mama ng almusal

Nag-sangag ako ng kanin, dinamihan ko ang bawang dahil iyon ang gusto ni Mama. Nag-prito ako ng scrambled egg na may sibuyas at ng tuyo. Gumawa rin ako ng sawsawan na suka na may dinurog na bawang. Pinagtimpla ko na rin siya ng kape.

Nang makahain na ay saktong labas niya sa kwarto. Nagulat pa siya ng makita niya ako

"Ang aga mo naman anak, dapat ako na ang nagluto" sabi niya

"Ayos lang naman ma, kain ka na" sabi ko

"Sabayan mo na ako"

---

"Austin, kanino 'to?" tanong ni Mama na bitbit ang bag na binigay ni Alji

"Akin po ma. Bigay po ni Alji" sabiko habang kinakabit ang butones ng blouse

"May gusto ata sayo si Alji anak, ang daming binibigay sayo, baka naman mapagalitan siya sa kanila. Mukha pa namang mayaman ang batang 'yon" sabi niya

"Napigtal kasi yung tali nung bag ko ma nung nabunggo niya ako kaya pinalitan niya, sinabi niya naman sakin na walang gumagamit nito dahil mayroon na siyang bago" sabi ko

"Kaya pala nakita kitang nananahi nung isang gabi. O'sya, pakisabi sa kanya maraming salamat ha. Pagpalain siya ng Panginoon at napakabuti niyang bata. Nagpaalam pala siya sakin kagabi na doon daw kayo sa kanila?" sabi ni Mama

"Ah opo! Nawala sa isip ko, kailangan po kasi namin mag-perform sa P.E" sabi ko

"Oo nga't nabanggit niya sa akin. Mag-iingat kayo ha" sabi niya

---

Naglalakad na ako papasok nang may maramdaman akong may sumasabay sa akin sa paglalakad

"Good morning Austin" bati niya

"Drew?"

"Kilala mo pala ako" sabi niya at napahawak sa batok

Tumango ako

"Narinig ko kasi yung kaibigan mong tinawag kang Drew" sagot ko

"Saan ka pala nakatira? Ako doon oh" sabay turo niya sa bahay na may brown na gate

"Sa ikaapat na kanto mula rito" sagot ko

Namayani ang katahimikan, nahihiya ako dahil baka isipin niyang napaka-walang kwenta kong kausap

Nakarating kami sa SAA

Pagkapasok pa lamang sa gate ay nakarinig na naman ako ng mga 'di kaaya-ayang salita

"Oh my God girls, kahapon si Alji, ngayon si Drew. What a whore!" sabi ni Nica at tinignan ako mula ulo hanggang paa at ngumisi. Naramdaman kong hinawakan ako ni Drew sa kamay at tinago ako sa likod niya

"Akala niya siguro ang ganda niya" sagot ng isang alipores niya na si Bethany

"Oh? Bag ni Alji 'yon ah? Tsk. Magnanakaw" sabi ng isa pang alipores na si Trish

"Tigilan niyo nga si Austin" sabi ni Drew at napataas ang kilay ni Nica dahil doon

"At bakit Drew? Ano mo ba siya?" sabi ni Nica

"W-Wala. Kaklase. Pero wala siyang ginagawang masama sa inyo" sabi ni Drew

"Stuttering huh? Whatever! Come on girls, masyado na masakit sa ilong ang amoy ng basura" sabi niya at naglakad na paalis

Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon