May isang tao na nakatayo at nakasuot ng purong itim. Hindi maaninag ang mukha nito. Nakakakilabot. Hindi parin tumitigil si Guillermo sa paglalakad kung kaya't napahigpit ang yakap ko sa kanya
"Malapit na" sabi nito na parang pinaghalong boses ng mga tao. Palapit kami ng palapit pero
Bigla nalang itong naglaho at tila tumagos lang kami rito
"Guillermo hindi ka ba natakot?" tanong ko
"Ha? Saan?"
Hindi niya nakita?
Malapit na? Anong malapit na?
"Ah-- na parang tayo lang ang narito" sambit ko nalang
"Hindi naman saka sanay naman na ako, kahit ako lang mag-isa na naglalakad dito" aniya
Binaba niya na ako pagtungtong namin sa patag na daan. Berdeng berde ang kapaligiran at may mga kwadra na matatanaw sa di kalayuan.
"Mamili ka na ng kabayo" ani Guillermo
"Nasaan ang nagmamay-ari sa mga kabayong ito?"
Nakapili si Guillermo ng isang malaki at puting kabayo
"Sina Lolo at Lola ang nagbabantay at nagpapakain sa mga kabayo dito, bihira kasing nandito ang may-ari ng mga to dahil sa ibang bansa nakatira" aniya
Tinignan ko muna ang mga kabayo at nakapili ng isang naiiba
"Ito ang akin" sabi ko kay Guillermo
Isang itim na kabayo
"Aba, mabilis yang si Pitch. Si Cloud naman ang akin"
Hindi ako kinakabahan sa kabayong ito
Nang mailabas sa kwadra ay nagwala si Pitch napaatras ako pero kusang bumalik at lumapit kay Pitch. Maski ako ay nagulat ng humarap ito sakin
"Amara!"
Pumikit ako pero napadilat muli ng maramdamang dumikit sa akin si Pitch
Magkadikit ang noo naming dalawa
"Ha? Bakit umamo bigla si Pitch?" ani Guillermo
Nagkibit-balikat ako at hinawakan ang kabayo
Kahit kailan sa buhay ko ay hindi pa ako nakasakay sa kabayo
Pero wala pang isang minuto ay agad akong nakasakay sa mataas na si Pitch
"Lagi mo talaga akong nauunahan makaakyat kahit dati pa"
"Nakapunta na ba ako dati rito?" tanong ko
"Hindi pa. Sa bundok tayo madalas at ang gamit nating kabayo ay si Beauty at si Jang" aniya
"Bakit si Beauty lang ang naroon sa kwadra?" tanong ko
"Nawala si Jang, siguro ay may nagnakaw sa kanya. Siya pa naman ang paborito ko" malungkot niyang saad
---
Halos gabihin kami ni Guillermo sa pangangabayo at halos naikot na namin ang rancho.
"At saan kayo galing?" bungad ng nakapamaywang na si Madam Tonia
"Alam niyo ba kung anong oras na?!" sabi pa niya
"Pasensya na Tiya, ako po ang nagsama kay Amara sa rancho. Wala po kasi siyang kasama dito kanina, ang ibang mga babae ho ay tinuturan ni Madam Nena" paliwanag ni Guillermo

BINABASA MO ANG
Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES)
Novela JuvenilSTART: June 24, 2018 (idea) PUBLISHED: December 22, 2018 END: #38 in Bully