Chapter 12: Heartbeat

0 0 0
                                    

Nagising ako at unang narinig ang tunog ng aparato

Napabangon ako at tumingin sa tabi

Tulog parin si Alji

Teka bakit nandito na ako?

Bumukas ang pinto at niluwa noon si Nanang Sabel at Mang Ruben

"Mabuti at gising ka na, ano bang nangyari kanina sayo sa paaralan? Buhat ka daw ng guro dahil nahimatay ka. Ano bang pinag gagagawa mo?" tanong ni Nanang Sabel

"Bumisita lang po ako at nakita ko ang dating guro, nag kuwentuhan lang po saka po bigla akong nahilo"

"Kinabahan ako nang makita kang dala ng guro na iyon, August. Akala ko ay kung napaano ka na" ani Mang  Ruben

Binisita din ako ni Mama dito pagkatapos ng kanyang trabaho

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Wag ka na kaya muna maglakad lakad sa labas anak? Tignan mo ang nangyari sayo" ani Mama habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri

"Ayos lang naman po ako Ma, saka mabuti na pong nakausap ko si Sir Denz at nalaman ko kung ano na ang balita doon. Kayo po Mama, kamusta ang trabaho?"

Nakita ko na namutla si Mama sa tanong ko at hindi agad nakasagot. Tumigil din siya sa pag suklay ng buhok ko

"May problema po ba?"

"W-Wala anak, sige na at matulog ka na"

Umiling ako at tinitigan siya sa mga mata

"Ma, sabihin mo na sakin ang totoo. May problema ka at hindi maganda ang paglilihim" sabi ko

"Wag ka sanang mabigla anak" panimula niya

"Nakita ko ang Papa mo" aniya. Taliwas sa sinabi niya ay nabigla nga ako

"Tapos ano pong nangyari? Nagkausap po ba kayo?" tanong ko. Malungkot siyang ngumiti at nangingislap ang mga mata sa nagbabadyang luha

"Hindi" aniya

Hinawakan niya ang mga kamay ko

"Masaya na siya sa sarili niyang pamilya, kasama niya yung asawa at anak niya" aniya at tumulo ang luha

Naluluha narin ako, ang ayoko sa lahat ay makita ang Mama ko na umiiyak

"Babae rin ang anak niya, n-nakita ko kung paano tignan ng Papa mo ang bata. Punong puno ng pagmamahal tulad nang una ka niyang nakita. P-Pero anak, pag nakasalubong mo sila... wag mo silang aawayin ha" kumirot ang puso ko sa mga sinabi niya

"Nakita ka ba niya?" tanong ko

Muling napangiti si Mama kahit pa alam kong nasasaktan din siya

"Oo" sagot niya

"Ano---"

"Nakita niya ako anak, pero hindi niya ako nakilala"

Natahimik ako

Tinignan niya ako sa mga mata

"Hindi nga ako makapaniwala anak, naunang lumabas ang mag-ina niya. Siya ang nagbitbit ng mga pinamili nila. Paalis na siya noong hindi niya maalis sakin ang tingin kaya yumuko ako at nagpunas ng luha...Alam mo bang tinanong niya ako kung kilala niya daw ba ako, pamilyar daw kasi ang itsura ko, umiling ako anak at saktong dumating ang kapalitan ko"

"B-Baka hindi ka n-niya makilala kasi.. kasi sobrang laki na ng nagbago sayo Ma. Bumagsak ang katawan mo at ang putla putla mo. Sana naglalagay ka ng kaunting kolorete para magkakulay ang mukha mo, Ma"

Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon