Chapter 5: Dance

4 2 0
                                    

Linggo ngayon, maaga akong bumangon para mag-ayos ng mga gamit sa bahay.

Pangalawang lipat na namin to dito sa San Alfonso matapos kaming umalis sa Fosco. Masyadong mahal ang naupahan namin dati. 5,000 piso para sa isang buwan, maliit lamang ang bahay na iyon at marami pang kailangang ayusin tulad ng tumatagas na tubo ng tubig at ang bubong na butas kaya pag umuulan ay kailangan naming maglagay ng pangsahod. Ang bahay na inuupahan namin ngayon ay mas malawak kumpara sa nauna at mura lamang ang upa, 3,000 sa isang buwan at wala pang mga sira.

Itinali ko ang aking mahabang buhok at nagsimula na mag-lipat ng mga gamit. Tulak dito, tulak doon, tinitignan ko ang maaaring maging pwesto ng mga kagamitan upang lumuwang ng kaunti dito sa sala. Tagaktak na ang pawis ko at gutom narin ako.

Halos isang oras akong nag-ayos ng mga gamit. Nagpahinga ako at kumain.

"Austin? Ang aga mo naman gumising 5:30 pa lang" sabi ni Mama

"Kain na po ma, inayos ko na po kasi yung mga gamit" sabi ko at saka pa lang niya nilibot ang tingin sa bahay

"Nako, napakasipag talaga ng anak ko" sabi niya ng nakangiti

"Tao po!" sabay kaming napatingin ni Mama sa kumakatok

Si Mama na ang nag-bukas ng pinto

"Oh ang aga naman ng gwapong bisita mo Austin, pasok ka Alji" sabi ni Mama at nakita ko si Alji na nakasuot ng asul na polo at itim na pantalon

"Bakit ayos na ayos ka Alji?" tanong ko ng makalapit siya, nahiya ako dahil hindi pa ako nakakaligo

"Good morning August, gumayak ka na" sabi niya

"Ha?"

"Magsisimba tayo, ayos lang naman po 'di ba Tita?" tanong niya kay Mama na halatang nagpapa-cute

"Basta ikaw Alji, ingatan mo si Austin ha. Oh anak maligo ka na 6:30 ang simula ng misa" sabi niya

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Alji at tumango siya

---

Kanina pa ako tapos maligo at heto nakatingin lamang sa salamin. Hindi ko alam kung anong susuotin ko.

"Austin?" kumatok si Mama

"Pasok po" sabi ko

"Bakit hindi ka pa nakabihis? Baka mahuli na kayo ni Alji sa misa" sabi niya at umupo sa tabi ko sa harap ng salamin

"H-Hindi ko po kasi alam ang isusuot ko" sabi ko at natawa naman siya

"Dalaga na ang anak ko. Gusto mo ba si Alji anak?" tanong niya

"Ma naman eh!" ramdam kong uminit ang pisngi ko

"Biro lamang. Wala namang masamang magustuhan mo siya, natural lamang na makaramdam ng ganyan sa edad mong iyan. Sa tingin ko maraming nagkakagusto kay Alji dahil bukod sa mabait na ay napakagwapo pang bata" sabi niya habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin

Wala akong nasabi

Tumayo siya at naghanap ng damit sa aparador

"Heto isuot mo, gawa 'yan ng Lola mo" sabi niya.

Nakita kong hawak niya ang isang puting bestida na may kulay asul at berdeng disenyo, mahaba ang manggas nito at may butas sa magkabilang balikat. Hindi rin mainit ang tela nito

Sinuot ko iyon at tinignan ko ang sarili sa salamin

"Ang ganda talaga ng anak ko" sabi niya

Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon