Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang paggalaw ng aming mga labi
Nakapikit siya at hinapit ang bewang ko para mas madikit sa kanya
Agad akong kumawala at tumayo
Tumakbo ako pababa ng hagdan para yakapin ang lalaking ito pero hindi ko sinasadyang matumba siya at maglapat ang aming mga labi
Napahawak ako bigla sa aking labi
Pakiramdam ko ay talo ko pa ang kamatis sa pagkapula ng mukha. Bakit parang biglang uminit rito?
"Binibini"
Umatras ako ng magsalita siya
"Hindi ka si Alji" sambit ko at napahawak sa isang mesa
"Pangalawang beses mo na sinabi ang ngalang iyan binibini, hindi ako ang taong binanggit mo. Gusto kong pormal na ipakilala ang aking sarili" sabi niya at bahagyang hinawakan ang kanyang labi at ngumisi. Malayong malayo sa ugali ni Alji
"Ross Quiestas, ang pangalawang anak ni Ricardo at Susana Quiestas na nagmamay-ari ng lugar na ito" sabi niya at bahagyang yumuko
"Ikaw binibini? Ano ang iyong pangalan?" tanong niya
"Augusta Katherina Constantino" sagot ko
Ngumiti siya, si Alji ba talaga siya? Iniisip kong siya nga talaga, ang naiba lamang ay ang kasuotan. Inabot niya ang aking kamay at dinala iyon sa kanyang labi para hagkan
"Kinagagalak kong makilala ka binibining Augusta" sabi niya
"Austin na lang ang itawag mo sakin" sabi ko at umiling siya
"Mas gusto ko ang Augusta o di kaya'y August"
Natulala ako
Alji
Siya lang ang tumatawag sakin ng ganoon
Sabi ng lalaking ito ay hindi siya si Alji, Ross Quiestas.
Nabalik ako sa ulirat ng may tumikhim
"Mama" sabi ni Alj-- Ross
Nakita kong pababa ang isang sopistikadang ginang
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa
Kinabahan ako at napalunok
"Ross, hindi mo man lang ba ako ipakikilala sa iyong nobya?"
"Ah h-hindi po kami--" pinutol niya ang sasabihin ko
"Ang anak ko ang kausap ko hija" sabi niya at napayuko na lamang ako
Bigla akong hinawakan ni Ross sa balikat at sinabing
"Mama, si August. Ang aking nobya. August, si Doña Susana Quiestas, ang aking ina" sabi niya
Napatingin ako kay Doña Susana
Ang kaninang nakakakabang tingin niya ay nabago na, ngayon ay nakangiti na siya sa akin.
"Ipagpaumanhin mo August kung natakot kita. Nais ko lamang na makilala ang magandang binibining hinagkan ng aking anak"
Nanlaki ang mata ko at magpapaliwanag sana ngunit tinakpan ni Alj-- Ross ang aking bibig
"Hmmp"
"Mama nais ko sanang ipakita kay August ang ating hardin" sabi ni Ross
"Matutuwa ka pag nakita mo ang aming itinanim na makukulay na bulaklak roon" sabi ni Doña Susana
BINABASA MO ANG
Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES)
Teen FictionSTART: June 24, 2018 (idea) PUBLISHED: December 22, 2018 END: #38 in Bully