Chapter 6: Strange World

11 2 0
                                    

Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari kahapon. Hinding-hindi ko malilimutan ang kaganapang iyon.

Minulat ko ang aking mga mata

Kumunot ang noo ko ng makita ang kulay ng kisame. Kulay tsokolate ito at may maliit na chandelier

Ibig sabihin ay wala ako sa amin. Pero paano nangyari iyon kung naaalala ko pang inihatid kami ni Mang Ruben sa amin.

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako.

Hindi ito ang kama ko. Agad akong tumayo pero para bang ang bigat ng katawan ko. Sumakit rin ang ulo ko, parang binibiyak ito.

Kahit pa masama ang pakiramdam ay nilibot ko ang kwarto. Bukod sa kama ay may malaking aparador dito, salamin, at mesa na pinagpapatungan ng mga gamot at may ibang pabango rin.

Bakit parang lumabo ang mata ko? Bakit sa tingin ko ay kulang ng kulay lahat ng nasa paligid?

Lumapit ako sa malaking salamin. Bago ko pa man mapuri ang materyal na ginamit bilang frame ng salamin ay nabigla na ako ng makita ang aking suot.

Bakit ako nakasuot ng ganitong damit?

Muli kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Nakasuot ako ng Victorian dress. Mapusyaw ang pagkaberde nito. Ang collar ay abot hanggang kalahati ng aking leeg. Ang manggas nito ay dalawang dangkal ang taas mula sa aking daliri at may ruffles doon. Ang bandang dibdib ng suot ko ay puti na may mga gintong disenyo, hanggang tiyan ito. Ang bandang palda nito ay may mga gintong disenyo rin at abot hanggang paa ang laylayan.

Napatingin ako sa pinto ng magbukas iyon.

May pumasok na babae na kapwa ko nakasuot rin ng tulad ng akin, iba lamang ang kulay at disenyo pero victorian dress rin ito

Maganda siya at mukhang Kastila. Malalim ang mata, matangos ang ilong, at manipis na labi na may maliit na nunal sa itaas

"Amara maayos na ba ang pakiramdam mo? Pinadala ako ni Madam Tonia rito para tignan ang lagay mo" sabi niya, lumapit siya sakin at nilapat ang likod ng kanyang kamay sa noo ko

"Tsk tsk, nako inaapoy ka parin ng lagnat. Magpahinga ka na lamang rito at ibabalita ko kay Madam Tonia ang lagay mo" paalis na sana siya pero pinigilan ko siya

"Sandali!"

Tumingin siya sa akin

"Bakit Amara? May kailangan ka pa ba?" tanong niya

Umiling ako

"Kung gayon ay bakit mo ako pinigilan? May nais ka bang sabihin?" tanong niya

"Hindi ako si Amara, Austin ang pangalan ko, nasaan ako? Nakita mo ba si Mama? Sinong nagdala sa akin rito?"

"Hinay-hinay lamang sa pagsasalita Amara, Austin kamo ang ngalan mo? Haha magkasama na tayo mula pagkabata, siguro ay naalog ang utak mo ng mahulog ka sa hagdan kanina. O'sya bababa na ako Amara" sabi niya at tumawa pa.

Akala ba niya nagbibiro ako?

Nakalabas na siya at naiwan akong tulala

"Hindi ko siya kilala paano kami nagkasama mula pagkabata" wika ko sa sarili ko

Sino si Amara?

Ako si Austin, hindi Amara

Nakaramdam ako ng pananakit ng binti, umupo ako sa kama at itinaas ang laylayan ng damit

"Paano ako nagkaroon ng pasa sa binti?"

Naalala ko ang sinabi ng babae kanina, nahulog raw ako sa hagdan

Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon